Story 1: Huwag kang ngingiti
Napaupo ako sa isang concrete bench at napatanaw sa mga musmos na bata na panay ang panlilimos. Mahirap talaga maging mahirap ngunit mahirap namang kumayod upang yumaman, lalo na kung gusto kong maging tulad ni Manny Villar na lumangoy muna sa isang ilog na puno ng basura. Ayoko, ‘wag na lang. hahah
Napasulyap ako sa billboard na may isang artistang halos ipakita na lahat ng balat. Tulad ko maputi din siya, makinis, umaalon ang mahabang buhok at matangkad. Pinagkaiba lang namin ay nasa billboard siya at ako? Heto sa plaza at nakatunganga. Hay. Bakit pa ba kasi ako pinanganak na mahirap? Bakit ba kasi gumawa ng pamilya ang mga magulang ko gayong hindi naman pala kaya? Tsk.
Hindi ko talaga sila tutularan, hindi ako mag-aasawa at magkakaanak hangga’t hindi pa ako mayaman. Hindi ako magpapabulag sa tawag ng laman. Hindi ako magpapabulag sa pag-ibig.
“Hi miss, can I join you?” May dala siyang fishball at softdrinks sa plastic. Pinasadahan ko ng tingin ang ibang upuan ng plaza at marami ang bakante.
“Doon ka na lang umupo.” Sabi ko sabay turo sa upuan sa malayo.
Napakamot siya ng kanyang batok at ngumiti. Ngek! Sira-sira ang ipin niya sa baba. Kalurkey! Pa ingles ingles pa tapos ang ngipin daig pa ang nananghalian ng dinuguan.
“Please, umalis ka na!” Udyok ko sa kanya kasi nahihirapan na akong magpigil ng tawa.
Kumunot ang kanyang noo. Akala siguro niya nababaliw na ako. “Ano? Wala naman akong ginagawa ah?” Pero ‘di ako nakasagot at humalakhak na lang ng malakas. Ang sama ko.
Umalis siya sa tapat ko na nakasimangot. “Teka!” tawag ko ngunit ‘di siya lumingon kaya hinabol ko na. “Sorry, ikaw kasi. Huwag kang ngingiti sa susunod okay?”
“Tssss.” Yun lang ang tanging isinagot niya na may kasamang irap pa ng mga mata. Tse! Ang lakas ng loob magsuplado eh di naman bagay!
Sinundan ko na lang siya at tinabihan. Hindi siya umiimik pero ramdam ko ang panggagalaiti niya. “Sorry. Kita mo namang nagmomoment ako dun tapos ngingitian mo ko. Ayan tuloy natawa ako.”
“Kung iinsultuhin mo lang ako umalis ka na lang.” Humihingi na nga ako ng tawad kahit ‘di ko siya kilala nagpapahard to get pa! Aba! Feeling gwapo ah?
Kaya umalis ako at binelatan siya habang ‘di siya nakatingin. Alam ko parang isip bata pero wala eh, ganito talaga ako.
Sa paglalakad ko pabalik nasagi ng aking mga mata ang isang ihawan sa may kanto. Bumili ako ng dugo at kinain iyon bago bumalik sa estranghero.
“Ano na naman?!” Galit na bungad niya sakin. Haha nakakatawa talaga siya!
Imbis na sumagot ay ngumiti lang ako. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata at kalaunan ay natawa. Hindi ko kasi kinain ng maayos yung dugo at hinayaang magkasabit sabit sa ipin kong maraming puwang.
Kung sa kanya kasi nangingitim, sakin naman ay maraming kulang.
Doon kami nagkakilala ni Nando na tulad ko sa squatters lang din nakatira kasama daw ang kanyang mga magulang. Simula ‘nun ay palagi na kaming nagkikita sa plaza, nagkukuwentuhan, kumakain, nagpapalipas ng oras para saglit na makalimutan ang mga problema sa buhay.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)