Entry 1: Save Me

250 4 6
                                    

Genre: Romance and Thriller

A/N I: Since I chose thriller as the other genre, the plot of this story will tackle deep and sensitive topics. I highly suggest the readers to be open-minded as you read through the story. I am categorizing it as PG-13 since some scenes are not suitable for very young readers. Thank You.

"Tulong...

pakiusap...

...iligtas mo ako."

NAPAMULAGAT ako nang marinig ko ang boses na iyon. Tila'y nagsusumamo itong tumatawag sa'kin. Hindi ko mawari kung kanino ito nanggagaling ngunit ramdam ng puso ko ang paghihinagpis niya.

Sa pagdilat ko ng aking mga mata, putting kisame ang bumungad sa'kin. Pinilit kong alamin kung nasaan ako kahit na nanlalabo pa ang aking paningin at wala akong masyadong naririrnig. Hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa't kamay. Tanging mga mata ko lang ang aking nakokontrol sa mga panahong iyon.

"Damian, naririnig mo ba ako?"

Isang mala-anghel na tinig ang sumunod na pumukaw ng aking pansin. Biglang nabuhayan ang aking loob. Kilala ko kung kanino iyon nagmula.

"Damian, si Eve 'to."

Naramdaman ko ang paghimas ng malambot niyang kamay sa'king buhok. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanya. Unti-unti kong naaaninag ang napakagandang mukha ng aking kasintahan. Pinilit kong magsalita pero ngiti lang ang tanging nagawa ng aking mga labi. Gayun pa man, panatag na ako dahil alam kong nasa tabi ko lang si Eve.

Nailigtas ko nga siya.

Sandaling nabigyan ako ng pag-asa. Pag-asa, na magiging normal ang lahat sa'min ng aking pinakamamahal.

Subalit, hindi nagtagal ang imahinsyong iyon nang masilayan ko kung sino ang nasa likuran ni Eve.

Isang pamilyar na mukha ang nakatuon sa'kin. Nakalabas ang mga ipin nito habang binibigyan ako ng malademonyong ngiti. Nakakakilabot.

Bumaba ang aking titig sa kumikinang na bagay na nasa kanyang kamay. Isang matalim na kutsilyo ang kunwa'y marahang idinidiin niya sa kanyang palad. Napatigil siya saglit sa ginagawa at saka'y sinipat ng tingin si Eve. Mas lumawak ang mga ngiti nito habang unti-unting humahakbang papalapit sa walang-kamalay-malay kong nobya.

Eve, umalis ka na!

Sinubukan kong magpumiglas, sumigaw at magwala para maprotektahan ko't mabalaan si Eve ngunit tanging pag-ungol lang ang nagagawa ko.

"Damian, huwag ka ng mag-alala. Maayos na ang lahat." pagpapakalma ni Eve sa'kin. Hindi niya pa rin napapansin ang nagbabanaag na panganib sa likuran niya.

Nang iilang pulgada na lamang ang pagitan nila, saka inilipat ng demonyong 'yon ang paningin sa'kin. Naglaho ang ngiti niya nang inilagay niya ang libreng hintuturo sa kanyang bibig na para bang nagpapatahan ng isang bata. Dahan-dahan niyang iniangat ang kutsilyong hawak sa isang kamay at saka itinutok sa mismong likuran ni Eve.

Huwag!

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Hindi ko na maatim ang mga nangyayari sa'king harapan. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala akong ibang magawa kundi ang pagmasdan lang sila.

Buong akala ko'y nailigtas ko na ang aking kasintahan at nagawa ko nang pigilan siya sa kanyang masamang binabalak ngunit bakit andito pa siya? Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng aking mga luha.

Pakiusap! Iligtas niyo si Eve!

Matapos kong isigaw iyon sa'king isipan, bigla akong nakaramdam ng paggaan ng kalooban. Nawala ang lahat ng pag-alala. Biglang tumahimik ang lahat sa paligid at naramdaman ko na lang na nasa ibang lugar na ako.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon