Umulan na kaya unti-unti na silang nagsi-alisan. Unti-unti na nila kong iniwan. Di ko namamalayan na wala na silang lahat.Ang bilis nila kong iwan. Sabagay, wala na namang nagmamahal sakin. Susundan ko na sila. Malapit na. Pero nagulat ako ng may isa pa palang tao nag nagpa-iwan. Hindi ko mapigilang umiyak sa nakikita ko. Umiiyak siya at gusto ko siyang patahanin pero di ko magawa. Gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako.
Unti-unti akong lumapit sakanya at pinagmasdan ang kanyang mukha.
Nakita ko siyang unti-unting lumalapit sa akin. Niyakap ko siya pero di niya naramdaman. Basang-basa na siya. Gusto ko siyang payungan pero di ko talaga magawa. Hinahaplos niya yung.. haays. Gusto kitang yakapin, gusto kitang maka-usap. Ang dami kong gustong sabihin sayo.. bestfriend.
Miss na miss na miss na miss na kita Best. Bakit ba tayo humantong sa ganito?
FLASHBACK
“Welcome back to us. Hahahaha” Natatawa ko sa kanya. Parang ilang linggo lang kami di nakapasok excited na agad tong bestfriend ko.
“Chill lang best, two weeks lang walang pasok, excited?” Natigil ako sa pagtawa ng parang hindi na siya nakikinig sa akin. Hindi nakatuon yung tingin niya at isipan niya sakin kaya minabuti kong tignan din yung tinitignan niya.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko.Yung titig ni Caex may kahulugan. Yung titig niya kay Alyael. Yung titig niya sa taong gusto ko.
Tinitigan ko rin ng mabuti si Alyael. Napagwapo niya, Matipunong pangangatawan, Matangkad, at yung kanyang nakahuhumaling ngiti. Lalong di ko mapigilang mahulog sakanya. Bumalik ako sa katauhan ko ng kinalabit ako ni Caex. Nakakatakot yung tingin niya. Yung tingin na parang inagawan.
“Faith, may gusto ka ba ka Alyael?” Diretso at may himig na inis ang tono ni Caex. Bigla kong kinabahan. Ramdam ko yung pagtayo ng mga balahibo ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi niya alam na may pagtingin ako kay Alyael. Hindi ko rin nasabi na nililigawan ako ni Alyael. Oo, halos limang buwan na niya akong nililigawan. Gusto ko siya at gusto niya ako. Naghihintay lang ako ng tamang oras para sagutin siya. At tamang oras para sabihin kay Caex. Pero hindi sa sitwasyong ito.
“B-bakit mo n-naman na tanong yan?” Utal ang boses ko. Iniwas ko yung tingin ko sakanya dahil sa kaba.
“Wala lang. Kasi iba yung tingin mo sakanya. Pero di bale, alam mo ba Best, gusto ko siya” Nakangiti at kinikilig na sabi ni Caex sabay turo kay Alyael. Parang biglang huminto sa pagtibok yung puso ko. Parang yung mundo tumigil sa pag-ikot. At parang ayoko ng tumigin pa sa itinuro ni Caex. Gusto niya yung taong matagal kong minamahal? Pilit kong binubuka yung bibig ko pero walang lumalabas ni isang salita.
“T-talaga B-best? C-congrats. Sa wakas may n-nagustuhan na rin yung Bestfriend ko” Di ko alam kung saang sulok ko yun nahugot yung lakas ng loob magsalita. Gusto kong umiyak. Gusto ko ring sabihin gusto ko siya. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na ako yung gusto ni Alyael. Ako yung nauna. Pero wala kong lakas ng loob. Siguro, kailangan ko ng itigil yung pagmamahal ko kay Alyael. Kailangan kong magparaya.
“Salamat Best. Alam mo bang kakasagot ko lang sakanya kahapon? Halos dalawang linggo niya rin akong niligawan Beeeest. Ay, sorry nga pala di ko nasabi sa’yo ha? Ang plano ko kasi pag sinagot ko na siya saka ko sasabihin sa’yo. So eto na nga, we’re official” Lalong mas tumigil yung mundo ko sa nalaman ko. Pinagsabay kami ni Alyael? Gusto ko siyang tanungin pero wala kong karapatan. Wala na rin naman saysay itong nararamdaman ko.
---
Ilang linggo na rin siula ng naging sila. At hanggang ngayon, inaamin kong hindi pa rin ako nakaka-moved on. Pilit kong kinalilimutan pero mas lalo kong nasasaktan. Kaya hinayaan ko muna yung sakit na manatili dahil alam kong lilipas din ito. Pero lalong kong naguluhan ng isang araw hatakin ako ni Alyael at dalhin sa likod ng Gym. Niyakap niya ako ng mahigpit. Di ako makapaniwala. Anong ginagawa niya? Hindi ko alam na kusa na palang gumalaw yung mga kamay ko para yakapin siya pabalik. Tinanggal niya rin agad yung yakap at tumingin sa akin ng diretso. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)