Story 2: To You My Future
Isang 14 year old na batang lalaki ang bumaba mula sa bus. Maganda ang tindig niya, punong puno ng kompiyansa kahit ang totoo, hindi niya alam kung saan ang pupuntahan.
Ang sabi ng driver nasa probinsiya na siya ng San Sebastian.
Probinsiya, kaya siguro puro palayan ang nakikita niya. Iyon ang naisip niya.
Sandali niyang binuksan ang dala niyang backpack upang kunin ang dala niyang sketch.
Gusto niyang masiguro ang pupuntahan.
Gusto niyang makita kaagad ang address na ibinigay ng uncle niya.
Ayon sa sketch, may mga kabahayan sa malapit. Doon siya pupunta para magtanong.
Ihahakbang na niya ang mga paa nang biglang humangin ng malakas.
Napalunok siya bigla, naalala niya kasi ang panaginip niya.
***
Bata pa lang si Sena ay namatay na ang kanyang ama, kaya nga sa mga pictures niya lang ito nakikita. Hindi niya akalain na magpapakita ito sa panaginip.
“Ikaw ba talaga ang papa ko, bakit ka ba nagpapakita sa akin?”
“Sena… Pakiusap… hanapin mo ang babaeng mahal ko.”
“Babaeng mahal? Si mama?”
Tumingin ito sa bandang dibdib ni Sena. Nahulaan ni Sena na ang soot niyang pendant ang tinitingnan ng ama.
Bago pa muling makapagtanong si Sena ay nagising na siya.
“Parehong panaginip na naman,” nasabi niya bago niya pinunasan ang kanyang noo na tagagtak ng pawis.
Mas malinaw na ngayon ang kanyang panaginip.
Bigla niyang kinuha ang pendant na nasa kanyang dibdib. Gawa iyon sa kahoy, kulay itim at may ukit na dragon.
Hindi nakilala ni Sena ang kanyang ina. Hindi naman siya nangulila dito dahil busog siya sa pagmamahal ng mga relatives niya. Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin. Dahil sa panaginip na ito, nagkaroon ng interes si Sena na hanapin ang kanyang ina.
***
“What, gusto mong hanapin ang nanay mo?” gulat na gulat ang kanyang uncle Rolly.
“Please uncle, tulungan nyo po ako. Gusto ko siyang makilala.”
“Sena, sanggol ka pa lang iniwan ka na niya. Ibinilin sa akin ng papa mo na wag na wag kang papayagan na hanapin siya.”
“Pero uncle, si papa na mismo ang nagsabi na gusto niyang makita si mama. Sa tingin ko ang paghanap sa kanya ang ibig sabihin noon, kaya please po tulungan nyo ko.”
Nakikita ni uncle Rolly ang determinasyon sa mga mata ni Sena. Naisip niya na baka iyon na nga ang oras para makilala nito ang tunay na ina.
“Nasa San Sebastian ang nanay mo ngayon, sa bayan kung saan ka ipinanganak.”
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)