Entry 18: Nang Dahil sa CAT

388 9 7
                                    

Kanina ko pa hinahanap iyong libro ko pero hindi ko parin makita. Doon pa naman nakaipit iyong ginawa kong tula para sa lalakeng matagal ko ng gusto.

 Naiinis na talaga ako. Kung kailan kailangan mo ang isang bagay tsaka naman wala, pero kung hindi mo naman kailangan tsaka naman nandiyan. Bakit ba ganoon?

“Oh, bakit ka nakasimangot diyan Lylva? Hindi bagay sa’yo.” biglang sumulpot sa harap ko si Jed, platoon leader namin sa C.A.T. (Citizens Advancement Training), my neighbor, my classmate, my childhood friend, my crush. Basta ultimate crush ko siya. And just so you know siya iyong lalakeng sinasabi kong matagal ko ng gusto.

“May hinahanap lang ako.” nahihiyang sagot ko sa kanya. Sino ba namang hindi mahihiya eh, siguro ang haggard-haggard na ng hitsura ko ngayon sa harap niya.

“Ano ba iyon? Tutulungan na lang kita, mukhang importante iyon sa’yo eh. ” Ang bait niya talaga. Kaya nga sa almost eight years naming pagkakakilala sa kanya lang ako na-attract. Siya din iyong palaging nagliligtas sa akin noon kapag may mga nambubully sa akin.

“Naku, thank you na lang Jed.” Jason Erwin Dean Alcaraz ang buo niyang pangalan but Jed ang tawag ko sa kanya para cool. 

Tiningnan niya ako ng nagdududang tingin, “Ano ba iyong hinahanap mo? Ikaw, huh…” kung may ugali man siya na kinaiinisan ko, iyon ay iyong pagiging makulit niya. Hindi ka talaga niya titigilan hanggat hindi niya nalalaman ang isang bagay na gusto niyang malaman o bagay na gusto niyang makuha.

Tinampal ko siya ng mahina sa braso niya, “Ikaw Jed, bawasan mo nga ng kaunti iyang kakulitan mo. Kaya ko ng hanapin iyon. Tsaka, hoy, di ba may training pa kayo sa CAT? Mag-a-assemble pa kayo sa quadrangle baka ma-late ka, gusto mo bang makatikim ng punishment?” paalala ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya ng biglang dumating si Cherry---officer din sa CAT, maganda, matalino, talented. Lumapit siya sa amin tapos kinausap niya si Jed. “Jed, pinapa-assemble na tayo ni sir sa quadrangle.” Sabi niya sabay ngiti ng matamis.

Alam kong may gusto si Cherry kay Jed. I knew it because even if we don’t tell the truth, our eyes could tell what we really feel deep inside our heart. Ganyan din naman ako kay Jed eh. Kung makatitig, wagas!

“Ah, ganun ba?” tanong niya dito sabay ngiti. Minsan talaga gusto ko siyang batukan, kung kani-kanino na lang kasi siya ngumingiti.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin, “Okay lang ba kung iiwanan ka namin dito, Lylva? Pinapatawag na kasi kami ni sir eh.” tanong niya sa akin sabay pahid ng pawis ko sa pisngi.

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. What he did was a very sweet gesture. Parang may gumapang na kuryente sa sistema ko. Ganito palagi iyong nararamdaman ko tuwing magkakadikit iyong mga balat namin. Hindi ko alam kung bakit.

 Do I still like him? Or I already love him?

Nang mahimasmasan ako sa nararamdaman ko, tsaka na ako nagsalita, “Okay lang, Jed. Sige pumunta na kayo doon.” Pagtataboy ko sa kanila.

Pinagmasdan ko na lang sina Jed at Cherry habang sabay silang lumabas ng classroom namin. They really look good together. At ang sobrang nakapag-pasakit sa damdamin ko ay yung parang mutual din iyong nararamdaman nila sa isa’t-isa.

Oo nasasaktan ako. Ganito naman palagi ang nangyayari eh. Nasasaktan ako kahit wala naman akong karapatang masaktan.

Mahal ko na nga siguro si Jed. Hindi, mahal ko talaga siya. Sarili ko lang naman ang lolokohin ko kung patuloy ko paring ide-deny ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. 

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon