Entry 9: Missing: Ballpen

391 4 4
                                    

"The law of gravity is ...... etc "

Ang tahimik ng room =_=

"is not under control etc" 

lahat kasi kami,tahimik na nakikinig at nagsusulat sa lecture ng propesor namin.

"etc"

tanging maririnig mo lang ay ang boses ng propesor.....

"etc"

pag-ikot ng electric fan,kaluskos ng sapatos,paglipat ng pahina ng notebook at huni ng ibon.

"tHE ETC .... CHENES"

Nagsusulat ako ng notes ko ng biglang .........

Putek!nawalan ng tinta ang ballpen ko.Syete !! Ba't ngagyon pa?

Tinaktak ko ang ballpen ko baka sakaling magkaroon ulit ng tinta.Pero sa kinamalas malasan,wala na talaga siyang tinta.Lintek!

Bahagya akong napasulyap sa propesor namin na walang tigil sa kakatalak ng lesson niya.Di naman pupwedeng ipatigil ko ang ginagawa niya .Tss.Baka mamaya maging halimaw pa yan sa harap ko eh.

Pasimple kong kinalabit ang seatmate ko na nasa kanan ko.

"Psst.May ballpen ka pa?" mahina kong tanong sa kanya.Pero,umling lang siya.Kinalabit ko naman ang nasa kaliwa ko at ganun din,nagtanong ako kung meron pa siyang ballpen pero wala rin ang sagot niya.

Lintek!Bakit wala silang ekstrang ballpen?

Maya't maya ang pagsulyap ko sa sa propersor namin sa takot na baka mapagalitan niya ako.Tss.Gaya nga ng sabi ko kanina,halimaw yan pagnagalit.

Pasimple ko namang sinipa ang upuan ng nasa harap ko.Lumingon sya ng nakakunot ang noo.At syempre,tinanong ko na ang dapat tanungin pero wala din daw siyang ekstrang ballpen.Bumalik siya sa pwesto niya saka siya nagpatuloy sa pagsusulat.

Putek! Badtrip naman oh!

Bigla kong nasipa ng malakas ang upuan ng nasa harap ko kaya naman , ang lahat ay nakatingin sa akin.

Syems.Ano nga ulit ang ginawa ko?

"Is there any problem Mr. Alvarez?" tanong ng propesor

"A-ah.W-wala po sir.Hehe" saka ko inayos kunwari ang ang upuan ko.Nakatingin lahat sa akin kaya naman napakamot ako sa batok dahil sa hiya.Nagpatuloy ang propesor namin sa paglelecture.

Leche! Wala akong ballpen.Merong papel,wala namang pansulat.Wala akong notes.Paano akong makakapagreview sa test.Wala akong .........

"Psst" napalingon ako sa likod ko nang biglang may sumitisit at kumalabit sa akin.

"Eto oh" saka niya tinutok sa akin ang ballpen.

O.o

W-wait!

K-kinakausap niya ako?Totoo ba ito?

Kinakausap ako ng babaeng gusto ko?

D-di nga ? .. 

Ayy! Shets!! Ou nga noh?Eto nga oh.Pinapahiram niya ako ng ekstrang ballpen niya.

Waahh.Ansaya.Ang ganda ng boses niya.Parang anghel.

Lalo pa niyang inilapit sa mukha ko yung ballpen.

"Kunin mo na.Baka mapagalitan pa tayo." mahina niyang sabi.

Biglang nawala ang inis ko at napalitan ng tuwa.

Ang ganda niya talaga.Shets !!

"Uy"

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon