With my earphones on, tinanaw ko ang napakalawak na lawa na kulay berde at ang mga puno na nakalinya sa gilid nito. It looked serene and relaxing, a place that can seem to listen to your darkest secrets and tell no one.
Palubog na ang araw ng dumating si Nick dala yung L3 na sasakyan. He had his handsome smile on ng bumaba siya at tuluyang lumapit sakin.
“Ba’t ang tagal mo? Usapan natin 2 pm ah?” tanong ko sa kanya matapos niya akong hinalikan sa noo. Napatingin naman siya sa suot niyang relos.
“Sorry baby kung na late ako. Si dad kasi ayaw akong paalisin gamit ito hangga’t di nalalagyan ng sticker na yan.” aniya sabay turo nga sa sticker na nakadikit doon, may malalaking letra na R tsaka H tapos may malaking ekis na nakapatong.
Konsehal kasi ang ama niya sa aming lugar, kilala at tanyag ang pamilya ni Nick bagkus ay strong advocates pa sila ng Anti RH Bill.
“Ganun ba?” parang wala sa sarili kong tanong. Natahimik kami saglit, both of us were lost in deep thought.
“So.. did you bring it?” Tanong ko kalaunan ng maalala ang kailangan naming gawin sa lawa.
Nick smirked at me at inakbayan ako. Kahit kailan talaga ang bad boy niyang tignan pag nakasuot siya ng kulay gray at medyo fit na pantalon. Simple pero ewan, I’m so damn attracted to this young lad.
“Ako pa ba makakalimot baby? Ikaw? Dala mo ba?” tanong naman nito sakin. Sinulyapan ko siya at nakita kong seryoso din itong nakatingin sa lawa.
Bahagya akong kumuwala sa pagkakaakbay niya sa akin at hinubad ang bagpack. “It’s here.”
Di ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan at nalulungkot pero ginusto ko ito kaya I have to accept the fact that it happened already. Di ko na mababawi ang mga nangyari.
“Nick.. dito ba talaga natin gagawin?” Muli kong tanong, nag-aalangan kasi ako.
“Napag-usapan na natin ito Amanda. Don’t tell me pagtatalunan na naman natin ito?!” inis na sumbat niya sakin. Oo, napag-usapan na namin ito pero umaasa pa rin akong magbabago ang isip niya.
Pero what the heck? Kailangan niya ba talaga akong sigawan?
“Ba’t ba ang init ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako ah? Nakikipagtalo na agad?!” tinalikuran ko siya at pumasok sa front seat ng sasakyan.
Napasinghap si Nick ng maiwan siyang mag-isa. After everything that had happened, pansin kong madalas na itong nagagalit at naiinis sa mga bagay bagay. Konting pagkakamali lang o kamalasan ay nababadtrip na agad siya.
Ganun talaga siguro kapag.. kapag guilty o nagsisisi. Sa ibang bagay na nilalabas ang sama ng loob. Ewan. Di naman kasi ako ganun.
Sinundan niya ako at pumasok rin sa drivers’ seat. Isinandal niya ang kanyang ulo sa upuan, tahimik at mukhang may iniisip.
“Sorry..” bungad niya. Di ako umimik at nilihis lang ang tingin sa gilid.
“Amanda..” tawag niya ulit sakin pero nagmatigas pa rin ako though, I like hearing him say my name. “Amanda..”
“Ano?” malamig na tanong ko na may halong inis. Ngumisi siya, alam niyang di magtatagal ay magiging okay din kami ulit. Konting lambing lang kasi ay natitibag na agad ang galit o tampo ko sa kanya. Ewan ko ba.
“Sorry na.. alam mo bang may pangalan na akong naisip?” sa puntong iyon ay napasulyap ako sa kanya. Pangalan?
“Talaga?”
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)