Keep Writing

176 1 0
                                    

Hi guys! This is a message intended for everyone.

Nalulungkot kami na hindi lahat ng magagaling na writers ay nakapasok sa final round. Pito lang kasi talaga ang kukunin namin for the final round. But that's life, isn't it? Hindi sa lahat ng oras, panalo ka, tama? Pupwedeng sa first round, panalo ka pero pagdating sa second round, hindi ka. Gusto lang po naming ipaalam na nagbase po kami sa criteria. Ibig sabihin, hindi po namin binase ang mga winners ng 2nd round sa kung sino ang winners ng 1st round. We gave scores based on how the story was created. Pupwede po kasing mas ginalingan ng mga wala sa mataas na rank nung 1st round ang pagsulat ng story for the second round kaya mas nahigitan nila ang mga dating nasa top.

Then, iba-iba po ang mga judges sa contest na ito at may mga kanya-kanyang way of judging po kami. Nevertheless, kahit iba-iba ang way of judging namin ay may criteria naman po tayong sinusundan at hinati-hati ang scoring based sa iba't-ibang criteria na iyon. Ano pong ibig sabihin nito? Hindi lang po kami nagbabase sa iisang criterion. Pupwedeng hindi siya kagalingan sa formality pero napakaganda ng idea niya at naging mataas ang impact nito sa mga judges, may possibility po na mataas ang magiging score niya. Pupwede ring formal ang writing niya pero hindi kagandahan ang idea at walang impact sa mga nagbabasa, magiging mababa ang score niya. Pupwede ring magaling at balanse siya sa lahat kaya naman mataas ang score niya or pupwede ring so-so lang siya sa lahat ng criteria at average score ang natanggap niya. Remember, kahit perfect ka sa title, o 'di kaya sa originality, o 'di kaya sa technicality, iisang criterion lang iyon, it won't give you a perfect score kung iisang criterion lang ipinerfect mo. Ang punto po? Hindi po umiikot sa iisang criterion ang contest na ito. Kailangan maging balanse ang lahat para makakuha ka ng mataas na score.

And lastly, hindi po kami naghahanap ng isang perfect writer para sa contest na ito, mapa-newbie ka man o batikan na, winelcome po namin kayong lahat. Thus, magiging fair lang naman po siguro kung magbabase kami sa iba't-ibang criteria at hindi lang sa iisang criterion. We all believe na deserving po ang mga nanalo. At naniniwala rin po kami na kahit hindi ka nanalo sa contest na ito, it won't make you any less as a writer. We are all good writers here. Parang sa grade lang 'yan sa school, hindi masusukat ng grades mo ang katalinuhan mo. Hindi por que wala ka sa top ay hindi ka na magaling. In comparison, hindi masusukat ng mga final scores dito sa contest ang kagalingan mo bilang isang writer. Nagkataon lang na sa sandaling iyon, ibang story at hindi ang story mo ang nag-excel. :)

Kaya sa mga hindi po nakapasok sa final round, you are still a writer. Walang nagbago. We are hoping that somehow, you've learned something from this contest. And sana baunin niyo 'yun sa inyong paglalakbay bilang isang writer. Ang dami-dami rin po naming natutunan sa inyo, kung alam niyo lang. Hindi lang kami basta-basta nagbasa at nagbigay ng score tapos, tapos na. You're stories have touched our lives or even our hearts in one way or another. Marami kaming natutunang aral galing sa inyo. And we think, that's already enough para masabi niyong magagaling kayong mga writers. Hindi ba't 'yun naman 'yung isa sa mga gusto nating mga writers? To touch or even change others' lives through our craft?

Guys, believe in yourselves! Contest lang ito, hindi madidikta ng contest na ito ang future niyo as a writer. Continue writing. Ginawa namin itong contest na ito for fun kaya mag-enjoy po tayo :)

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon