Entry 5: The Image

417 4 4
                                    

Tahimik lang naman siya na nakaupo sa isang sulok ng playground. Nagbabasa lang naman siya ng libro. Hindi naman siya nang-aaway. Kaya bakit ginawa nila yon. Bakit inaway siya ng mga batang iyon?

Iyon ang mga naglaro sa isip niya. Lalo pa nang simulan siyang bansagan ng kung anu ano ng mga bata.

“Hoy, Panget!”

“Sampid!”

“Anak sa labas!”

“Bobo ka!”

Tinakpan niya ang tainga upang hindi na marinig iyon, subalit mistulan itong alingawngaw sa kanya. Kasunod pa noon ang malakas na tawanan.

“Tama na, tama na!!!”

Six Years Later

Hindi makapaniwala si Mimi Dela Vega nang makita niya ang kabaong ng kanyang kaibigan. Halos maiyak siya nang makalapit sa puting kahon na iyon. Mukhang hindi na kinaya ni Lily ang kalupitan ng mga kaklase nila. Araw araw na lang kasi siyang nakakatanggap ng mga masasakit na text message. Madalas pa siyang ibully sa school.

***

Hindi naman iyon ganoon dati. Sa katunayan marami nga ang humahanga sa kanya dahil sa galing niya sa Math at English. Sikat din siya sa larangan ng musika. Nagbago lang ito nang dahil sa isang maling larawan.

“Hindi yan totoo, hindi yan totoo!” paulit ulit niyang sabi matapos niyang makita ang isang larawan sa bulletin board.  Larawan niya ito kasama ang isang lalaki. Halos wala na silang saplot sa nasabing larawan.

Agad niya iyong kinuha at pinagpilas pilas. Akala niya wala na, pero nagkalat na pala ito sa mga cellphone.

Pinagpawisan siya. Bigla siyang nanginig. Lalo pa nang maramdaman niya ang masasamang tingin sa kanya ng mga kamag aral.

“Madumi kang babae!”

“Manloloko ka!”

Ganoon ang mga sinabi nila. Kasunod noon ang pambabato nila ng mga basura sa kanya. Doon na nga nagsimula ang pambu-bully kay Lily. Kahit hindi siya pumasok, tuloy pa rin ang pag-tetext sa kanya ng mga hindi magagandang salita.

“Tama na, tama na!”

Sinubukan  ni Mimi na kausapin ang kaibigan.

 Pagkatapos ng klase ay pinuntahan niya ito sa bahay. Agad itong yumakap sa kanya.

“Mimi, hindi yon totoo. Hindi ako maduming babae,” daing niya.

Gusto ni Mimi na paniwalaan ang kaibigan. Naniniwala naman siya. Hindi lang talaga madali na maipaliwanag ang tungkol sa pictures.

“Hindi ako yon. Hindi ako yon. May gusto lang manira sa akin,” paliwanag niya.

Naniwala naman sa kanya ang mga magulang at guro, pero hindi ang mga kamag-aral niya.

Sa tingin ni Mimi ay hindi na kinaya ng kaibigan ang matinding sakit kung kaya’t nagpasya na lamang itong wakasan ang kanyang buhay. Nabalitaan na lamang niya na natagpuan daw si Lily na uminom ng maraming dosage ng gamot. Umasa pa ang mga magulang niya na makaka-recover ito, ngunit hindi na.

Sa puntong ito hindi mapigilan ni Mimi na sisihin ang sarili. Kung naging malakas lang sana siya naipagtanggol sana niya ang kaibigan.  Pero naging mahina siya.

Ngayon, ayaw niyang basta na lang tumahimik. Para sa namayapang kaibigan, hahanapin niya ang nasa likod ng mga pekeng larawan.

***

“Hindi kita matutulungan” sagot kay Mimi ng student council president nila.

“Bakit hindi? Para ito kay Lily, para sa ikatatahimik ng kaluluwa niya,” saad ni Mimi. Gusto niya sanang hingin ang tulong ng student council president upang malaman kung sino ang gumawa ng pekeng larawan ni Lily. Ang problema ay ramdam niya na hindi nito gagawin.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon