Entry 5: Unpublished

221 4 6
                                    

GENRE: Romance and Spiritual

1 Corinthians 2:9 “But as it is written, Eye hath not seen, nor ear heard, neither have entered into the heart of man, the things which God hath prepared for them that love him.”

Pangarap? Ano bang silbe non?

Kung si Jino ang tatanungin, wala na siyang pakialam sa hinaharap.  Ayaw na niyang mangarap pa dahil baka mabigo na naman siya. Gaya noon, marami siyang binuong pangarap, pero isa-isang gumuho.

Dati, hiniling niya na magkaroon ng buong pamilya, pero hindi nangyari. Oo, mayaman sila, pero hanggang ngayon hindi sila masaya. Hinangad niya rin magkaroon ng totoong kaibigan. Nagkaroon naman siya, pero nawala rin kaagad.

Ngayon yung mga nakakasama niya puro mga linta. Kahit hindi nila sabihin, alam niyang pera lang ang habol ng mga ito. Iyong iba naman, kaibigan lang siya kapag may exam. Hinahayaan na lang niya, at least kahit papano hindi siya loner. Kahit yung mga babae na nakakasalamuha niya alam niyang ganoon din ang pakay.

Sa ngayon, sinusunod na lang niya ang utos ng dad niya. Iyon ang rason kung bakit pumapasok pa siya ng school. Pero minsan kapag tinotopak siya, ginagawa niya rin ang kung anong maisipan. Bulakbol, babae, inuman--kahit ano. Basta yung siguradong maaasar ang dad niya.

“Hoy, nabalitaan n’yo ba ang nangyari kay Basco?” simula ni Roy, isa sa mga kasama niya.

Lunch break, kaya nasa canteen sila. Nasa pito ang kasama ni Jino. Tatlong lalaki at limang babae. Hindi talaga siya nawawalan ng kasama dahil madalas siyang manlibre.

“Ano bang nagyari kay Basco?” tanong ni Carla, isa sa limang babae na kasama niya.

“Ano, hindi mo alam?” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Roy. “Patay na si Basco, namatay siya sa isang car accident.”

“Ano?” Gulat na gulat si Carla. Napatayo pa siya sa sobrang pagkabigla. Parang kahapon lang kasi ay kasama pa nila ito, ngayon patay na? Parang ang bilis ng mga pangyayari. Unpredictable talaga ang buhay ng tao. Nang tingnan niya ang mga kasama, napansin niya na parang hindi naman sila nagulat.  Siryoso lang ang mukha ng mga ito. “Wait, don’t tell me alam n’yo na ang tungkol don?”

Hindi nga nagkamali si Carla. Siya lang pala ang hindi nakakalaam sa  balita.

“Kalat na kalat na ang tungkol sa pagkamatay ni Basco,” sabi naman ni Sheena, isa pa uli sa mga babae na nasa table nila.  “Sayang nga dahil namatay siya kaagad,” dagdag pa niya.

Kung anu-ano pang komento ang narinig ni Jino—puro simpatsiya. Sino nga ba ang hindi maaawa sa kalagayan ni Basco? Napakatalino nito. Magaling din sa sports at sa music. Nakakapanghinayang ang mga talent niya dahil nabalewala lahat.

Dito mas napatunayan ni Jino  na talagang malupit ang mundo at madaya ang Diyos. Madalas kung sino pa ang maraming pangarap sila pa ang kinukuha nang maaga.

 “Hindi iyon. Magiging okey pa rin si Basco.  Kung hindi man siya nagtagumpay ngayon, meron pa namang kabilang buhay.” Isang babae ang narinig nilang nagsabi noon.

Base sa kulay ng I.D. lace nung babae, siguradong first year pa lang ito. Nakatrintas ang buhok niya. Medyo mataba rin ang mukha, bagay na ayaw ni Jino sa babae. Hindi rin niya nagustuhan ang sinabi nito.

 Sino ba siya para sabihin na magiging maayos ang lahat? Naisip ni Jino. Naranasan na ba niyang mamatayan? Siguradong nasasabi niya ang mga bagay na iyon dahil wala siyang alam.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon