Story 1: WEIRD
Bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao. Dahil sa kakayahan ko na 'to, wala akong naging kaibigan.
Kinatatakutan nila ako.
Mapalapit lang sila sa akin, natataranta na sila. Tuwing makikita nila akong may kausap na hindi naman nila nakikita, lalaki na lang bigla ang kanilang mga mata, bubuka ang bibig at sasabihing "Ayan na naman siya, kausap na naman niya yung mga multo."
Sa totoo lang, hindi ko naman gustong magkaroon ng ganitong kakayahan. Gusto kong maging normal. Magkaroon ng madaming kaibigan, makisalamuha sa mga tao, at syempre, ang umibig.
Pero mukhang hindi na mangyayari 'yun dahil ang tingin sa akin ng mga lalaki, baliw o kaya naman weird.
"Anak, okay ka lang ba? Kung ayaw mong pumasok sa school, okay lang naman." Sabi ni mama nang may pang-aalala.
"Ma, okay lang po ako. Huling taon ko na sa high school.." Napahinto ako. Huling taon ko na pero wala pa din akong kaibigan sa mga kaklase ko.
"Anak.."
Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala pa. Kami na lang dalawa dahil sumakabilang buhay na si papa. "Okay lang po talaga ako. Sige po." Hinalikan ko na siya sa pisngi at umalis na.
Pagkapasok ko ng classroom, agad na lumayo sa akin ang mga kaklase ko. Sanay na ako sa ganito. Nasa pinakalikuran ang upuan ko dahil pati mga teachers ko, natatakot sa akin.
"Uupo na ako." Sabi ko sa taong nakaupo sa upuan ko. Nakayuko ito.
Nagbulungan na naman ang mga kaklase ko.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko uupo na ako. Please umalis ka na sa upuan ko." Naiirita kong sabi.
Bigla siyang tumayo at galit na tumingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito, may bahid din ng dugo at uniporme nito at may mga galos sa kamay nito.
"Huwag mo akong tignan ng ganyan." Yun lang ang sinabi ko sa kaniya bago umupo sa upuan ko. Siya si 'Aida', estudyanteng nasaksak habang papauwi na. Gustong-gusto nitong mag-aral kaya naman lagi itong nasa klase.
Minsan nagpapakita din ito sa mga estudyanteng nag-iingay lalo na kung nag-aaral ito.
Natapos ang klase ng araw na 'yon na wala man lang lumapit sa akin at sa tuwing lalapit ako, bigla na lang silang lalayo na para akong may nakakahawang sakit.
Palabas na ako ng classroom ng harangin ako ni ‘Aida’.
"Bakit?" Tanong ko.
Itinuro nito ang isang lalaking nagbabasa ng libro. Nakatayo ito at nakasandal sa may pader.
"Anong meron?" Pagtataka ko. Crush niya ba yung lalaking 'yun at itinuturo niya sa akin? Kahit pala patay na, nagkaka-crush pa din.
Biglang itinuro niya 'yung nasa gilid ng lalaki. Mga patong-patong na box iyon na may lamang mga air conditioner na ikakabit sa bawat classroom. Nakita ko na hindi maayos ang pagkakapatong na mga iyon at ilang sandali pa mahuhulog na 'yun sa..
Hindi na ako nag-isip pa. Tumakbo ako at itinulak ang lalaki. Bumagsak ang mga box at.. at hindi ko na alam ang nangyari.
Nagising na lang ako nasa clinic na ako ng school. Nagulat pa ako ng makita ko si 'Doc'. Nakangiti ito kahit na wala ang isa nitong mata. May mga sugat din ang mukha nito. Nakakatakot ang itsura niya kaya medyo nagulat ako.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
No FicciónSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)