Nagmamadali akong sumakay ng taxi. Kailangan kong makaabot sa audition. Aish. Kung bakit naman kasi tinanghali ako ng gising? Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa? Naku naman. Nagpapanic na ako. Hindi na din ako mapakali sa upuan ko, lingon din ako ng lingon.
“Manong, pakibilisan naman oh.” Naiirita kong sabi. Napa-iling naman yung driver sa inasal ko pero wala na akong pakialam. Basta kailangan naming makarating agad sa audition ko.
Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang traffic. Hindi na maipinta yung mukha ko sa sobrang inis.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko agad ito sa bulsa ko.
“Oh?” Nakatingin ako sa labas. Ang lakas pa nang ulan at mukhang hindi na ako makakaalis sa traffic na ito. “What? Tapos na yung audition? ARGH!” Napamura pa ako. “Sige sige.” Agad ko nang pinatay yung phone ko.
Para akong nawalan ng buhay dahil sa nangyari. Ang malas ko naman. Yung audition na yun na lang ang pag-asa ko para maka-alis ako sa pesteng buhay ko. Yun na lang ang rason ko para patunayan sa mga magulang ko ang sarili ko. Pero yung opportunity na yun, nawala pa dahil lang sa tinanghali ako ng gising.
“Manong, balik na ho tayo sa Village.” Sabi ko at tumingin sa bintana.
Papaandarin na sana ni manong yung taxi nang biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang lalaking basang-basa na sa ulan.
Pinanlakihan ko siya ng mata kasi tumabi siya sa akin e basang-basa siya. Nararamdaman ko sa may bandang balikat ko ang pagtulo ng tubig mula sa buhok niya.
“Ano ba kuya, tumutulo o.” Pagsusungit ko. Ngayong masama ang timpla ko e talagang masungit ako.
Hindi ito nagsalita, tinignan lang ako na parang wala lang. Napamaang ako kasi hindi man lang siya nagsorry e nababasa niya na ako. Magsasalita sana ako nang bigla itong lumapit kay manong driver at may binigay na papel. Agad namang tumango si manong saka pina-andar na yung taxi.
Dahil mabigat parin ang trapiko ay minabuti ko na lang na ilabas ang mp3 ko. Ilalagay ko na yung headset ko nang biglang bumigat yung balikat ko. Napatingin ako sa katabi ko at nakitang nakapatong na ang ulo nito sa balikat ko.
“Aish! Hoy Kuya! Sinuswerte ka ah!” Sabi ko at tinulak siya. Napalakas ata ang tulak ko dahil muntik pa siyang mauntog. Unti-unti nitong minulat ang mata at alanganing tumingin sa akin.
“Tss. Huwag kang lalapit sa akin ah!” Nakakainis. Nakakabadtrip. Basa na tuloy yung damit ko. Ang malas ko talaga ngayong araw na to!
Nandito ako sa may park ngayon. Malapit lang ito sa bahay namin. Naka-upo ako sa isang bato sa ilalim ng puno ng acacia. Nagmumukmok ako. Dahil hindi ako nakapasa sa audition dahil hindi naman ako nakarating, wala nang dahilan pa para suwayin ko ang utos nila. Gusto nila akong mag-aral ng kolehiyo at kumuha ng kursong edukasyon.
Parehong teacher ang mga magulang ko. Mga kapatid ko, ganun din. Pero iba ang gusto ko, gusto kong maging singer. Kaya nga ako nag-audition e. Gusto kong pumasok sa isang art school. Ayaw kong maging teacher. Pero wala na e. They gave me a chance and I blew it away. Ang laki nang panghihinayang ko. Tama nga sila, nasa huli lagi ang pagsisisi.
Inis na pinagsisipa ko yung mga damo sa lupa. Nabubungkal na yung lupa dahil sa ginagawa ko. Dito ko binubuhos yung inis ko sa sarili ko. Kung sana.. nagising ako ng maaga, kung sana hindi traffic nang araw na yun, kung sana hindi umulan. Ang daming sana..
“Hah?” May lollipop sa harap ko. Napa-angat ako ng tingin at tinignan kung sino ang nag-aabot sa akin ng lollipop. “Ikaw na naman?” Napatayo pa ako.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)