Entry 3: Amicia

238 6 8
                                    

GENRE: Romance and Paranormal

Tuluyan nang pumatak ang luha ko nang maipasok na ang kabaong ni Amicia sa nitso nito. Hindi ko na mapigilan pa ang emosyong rumaragasa sa sistema ko kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.

Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi marinig ang mga palahaw ng pamilya ni Amicia, Ang mga iyak nilang punong-puno ng hinagpis sa pagkawala ng isang minamahal.

Hindi ko akalaing mawawala agad ang bestfriend ko. Kahapon lang ay masaya pa iong tumawag sa akin, tapos malalaman ko na lang na namatay ito dahil nabunggo ang sinasakyan nitong taxi. Noong una ay hindi talaga ako makapaniwala. Hindi ito totoo! Na nagkakamali lang sila.

Buhay pa ang bestfriend ko!

Hindi pa siya patay!

Buhay pa ang best—

“Hi Best!”

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” Bigla akong napaupo sa sahig at napapkit. Si Amicia! Nakalutang sa ere at nakatingin sa akin! Hindi 'yun totoo! Hindi totoo 'yung nakita ko. Patay na si Amicia diba? Patay na siya! Imagination ko lang 'yun. Tama! Nag-i-ilusyon lang ako na buhay pa ang bestfriend ko at tinatawag niya ako.

Bibilang akong tatlo. “Isa, dalawa…” Huminga ako ng malalim. “Tatlo!” Iminulat ko ang mata ko. Walang ngang Amicia sa harapan ko, mga tao lang na nagtatakang nakatingin sa akin. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. Nasisiraan na ata ako ng bait. Masyado na akong nagluluksa sa pagkawala niya kaya siguro na-imagine kong nakita ko siya.

Magkagayunpaman, kinilabutan talaga ako ng makita ko siyang nakalutang sa ere. Kasama pa din ba 'yun sa imagination ko? Bakit naman kailangang nakalutang talaga? Hayyyy! Tinatakot ko naman ang sarili ko e.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko. Parang lantang gulay akong naupo sa kama ko. Nanlalabo ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya na namang bumagsak. Hindi pa din ako makapaniwala! Wala na talaga ang bestfriend ko! Wala na 'yung Amicia na lagi akong kinukulit magshopping at lalong-lalo na ang manuod ng basketball game. Wala na 'yung Amicia na laging nandyan tuwing may problema ako. Wala na siya para samahan ako.

Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa may pader kung saan nandoon ang mga pictures namin ni Amicia. Mga selfies namin together. Mga hindi malilimutang kalokohan at tawanan. Kinuha ko ang isang picture niya doon.

“Ang sama mo!” Kausap ko sa picture. “Bakit iniwan mo ako kaagad?” Hindi ko na napigilang umiyak na naman.

”Best! Sorry. Hindi ko naman alam na maaaksidente pala ako e.”

“Pero bakit namatay ka agad hah!? Bakit hindi ka man lang lumaban?” Sabi ko pa din sa pagitan ng hikbi ko.

“Eh kasi nga deadbol agad ako.”

“E kahit na..” Natigil ang pagsasalita ko nang marealize kong may kausap ako. Ako lang naman ang nasa kwarto ko pero bakit may sumasagot sa akin? Lumingon ako.

Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ni Amicia sa tapat mismo ng mukha ko. Napaurong ako, nanginig ang buong katawan ko at isang matinis na sigaw ang kumawala sa akin bago ako napanawan ng ulirat.

“Hmmn..” Bakit pakiramdam ko may tumatawag sa pangalan ko? Si Amicia ba ang tumatawag sa akin? Huh? Pero wala na siya e. Hindi kaya sinusundo niya na ako?

Bigla akong napabangon. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba 'yung nangyari kanina? Panaginip? Ilusyon na naman? Hindi kaya nasisiraan na talaga ako ng bait?

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon