Congratulations! Thank you for being part of this contest! Sana marami kayong natutunan from us. Sana mai-share niyo rin sa iba ang talento at karunungan na meron kayo sa pagsusulat. Lahat kami ay napahanga ninyo. Sana sa mga susunod na araw, buwan, o taon, hindi lang sa wattpad nababasa ang mga gawa niyo, sana sa libro na rin! Thank you rin kasi may mga natutunan din kami from you. Sobrang dami. 'Yung iba sa inyo, mas magagaling pa kesa sa amin!
Thank you rin sa mga hindi nakarating sa top three. Kasi alam namin na hindi nasayang 'yung mga pagod namin at pagod ninyo. Sana may natutunan kayo sa amin kahit sa maikling panahon. Hindi maiididikta ng contest na ito ang kagalingan at talento niyo as a writer. Hindi rin natatapos ang lahat dito. Good luck sa ating lahat! Alam ko, kung nasa puso mo ang pagsusulat, uusad ka. Susulat ka kahit hindi pa mailathala ang mga kwento niyo sa libro, kahit pa kakaunti lang ang mgar readers at votes mo.
Being a great writer is not solely based on the number of reads, the number of votes or the flood of comments your story has. It's not a question of whether your book is already published or not. It's not fame, popularity or number of readers/supporters/fans. It's when you have touched even just a single person's life. It's when your story has affected a reader's way of life and perception. It's when your reader has embodied your story in his life and heart. And when, even after a decade or century has passed, that person still remembers not just your story but the lessons it has taught him and molded him into what he is now. It is then you can finally say that you are indeed a great writer and not just a famous one. Hindi ka sumusulat para magkafans, sumusulat ka kasi gusto mong mai-share ang talento mo, may gusto kang ibahagi sa iba. Sana huwag na huwag nating kalimutan iyon.
Sa mga nasabihan ko ng mga foul words or kung may mali man ako nasabi sa mga comments ko, it's not my intention. Gusto ko lang ibahagi sa inyo 'yung sa tingin kong tama, kulang at 'yung mga dapat pang iimprove. I may not be a perfect judge for you guys but I tried to be objective as much as possible. Kumbaga, 'yan na ang best ko para hindi madegrade ang isang writer kung may sasabihin man akong dapat niyang palitan o iimprove. I tried to use constructive criticism sa abot ng makakaya ko. Pero alam ko somehow, sa pagiging honest ko, may nasaktan ako or may na-offend. I will not say sorry kasi lahat ng iyon pinag-isipan kong mabuti bago ko i-post. Kailangan mo 'yun bilang isang writer. Dahil kung puro puri ang maririnig mo, aba'y, perfect ka lang 'te? haha. Hindi ako magpapasorry kasi kung gagawin ko 'yun, para ko na ring binawi lahat ng negative feedbacks na nasabi ko. Sabi ko nga, kailangan mo 'yun bilang isang writer.
Sa mga naging guest judges namin, JBinHD at EllenaDy. Thank you sa pagtulong sa amin na magjudge. Kayo'y naging isang malaking parte ng contest na ito and I think maging sa mga buhay ng mga contestants dahil naibahagi niyo ang mga nalalaman niyo sa kanila. Maraming salamat na sa kabila ng pagiging busy niyo, hindi niyo kami tinanggihan at bukas-puso niyong tinanggap ang aming pabor. Salamat.
At sa mga co-admins ko. Hindi magiging successful ang contest na ito without you. Alam ko busy na tayong lahat pero triny pa rin nating magparticipate hanggang sa huli. Thank you guys! Na kahit pa may kanya-kanya tayong responsibilities sa labas ng wattpad ay nabigyan niyo pa rin ng oras at effort ang contest na ito. Salamat!
Osiya, mahaba-haba na 'to. Haha. Basta salamat! Til we meet again! Keep reading and keep the spirit of writing!
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
No FicciónSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)