Pair 4: Romance + Fantasy (Sana)

304 4 4
                                    

Story 1: Sana

Hinubad niya ang sapatos na mayroong mataas na takong at hinagis sa mukha ng lalaking kinaiinisan niya saka tumakbo sa palabas ng restaurant. Hinabol naman siya agad ng lalaking iyon subalit naging bingi na siya sa boses nito. Wala siyang pakialam kung mayroon siyang mabangga dahil malabo na ang kanyang paningin dahil sa mga luha na walang tigil sa pagbagsak mula sa kanyang mga mata. Masamang-masama ang kanyang loob dahil sa desisyon ng kanyang pamilya. Ayaw nilang maging isa siyang Meister Magi—isang propesyon na kailangang lumibot sa buong mundo para mag-aral ng iba't-ibang kultura, ang gusto nila ay maging Meister Healer siya, isang manggagamot na siyang propesyon na ng kanilang angkan sa loob ng mahabang panahon. Tanggap na naman niya na iyon ang gusto nila at wala siyang magagawa kung di ang sumunod, kaso ang ipakasal siya sa lalaking hindi niya gustong pakasalan? Sumosobra na sila.

Narinig niyang muli ang pagtawag ng lalaking iyon sa kanyang pangalan. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo at dahil malabo na ang kanyang paningin, hindi niya nakita ang isang bato sa daan dahilan ng kanyang pagkakatapilok at bumagsak sa daan. Umiyak siya sa gitna ng kalsada, hindi alintana ang mabilis na pagdating ng isang sasakyan. Nakakasilaw ang liwanag nito at nakakabingi ang pagbusina, pero wala siyang ibang ginawa kung di ang pumikit at humiling . . .

Sana ibang tao na lang ako.

* * *

Huh? Nang magmulat ako ng mata, nakita ko ang aking classmate na nagsusulat sa papel. Umayos ako sa pagkakaupo at luminga-linga sa paligid. Nagatataka ako dahil nasa multi-purpose hall kami at nag-te-take ng test. Bumuntong-hininga ako. Siguro dahil sobrang bored na para sa akin ang written exam ay naisip ko munang matulog. So in short, panaginip lang iyon—wait, more on na-predict ko ang mangyayari sa akin in the future.

Muli akong bumuntong-hininga at binaba ko ang aking tingin sa aking test paper. Eh? Bakit parang kinahig ng manok ang pangalan ko rito? At bakit number one palang mali na agad ang sagot? Pati ang ibang tanong-mali-mali ang sagot.Ah, siguro thrill 'to kasi nga boring na ang mga written exams. Agad kong binura ang mga nakasulat, simula sa aking pangalan. Mabilis kong sinagutan ang mga tanong dahil napakadali lang nito para sa akin. Wala pang limang minuto ay natapos ko na ang one hundred questions kaya nagtaas na ako ng kamay at tinawag ko ang atensiyon ng proctor ng test na kinagulat ng lahat.

"Yes, Ms. del Valle?"

"I'm done, Sir," tugon ko na lalong kinagulat nila. Bakit ba? Anong mayroon? Palagi naman akong nangungunang matapos sa pagsagot ng mga test questions.

"A-are you sure?" natatawang ewan na tanong ni Sir.

"Yes," nakangiti ko ng sagot saka tumayo at pilit na inaabot ang test paper na ayaw man lang niyang kunin.

Bumuntong-hininga si Sir. "Alalahanin mo Ms. del Valle, nakasalalay diyan ang magiging buhay mo pagkatapos ng high school. Siguraduhin mong tama ang mga sagot mo."

"Palagi pong tama ang mga sagot ko," tugon ko na kinatawa ng lahat. Nainis ako sa mga pinakita nila. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito gayong alam naman nila na ako ang pinakamatalino sa buong campus. Para manahimik sila ay muli akong nagsalita, "Sir, mali nga po pala ang tanong sa number 76. Wala ring choices kaya sinulat ko ang tamang tanong pati ang tamang sagot."

"Hindi ako nagkakamali," nakangising sabi ni Sir. Masiyado siyang bilib sa sarili niya pero mas bilib ako sa sarili ko. Hinubog kaya akong maging matalino ng mga magulang ko—kahit ayaw ko.

Ako naman ang bumuntong-hininga at nagsalita ng nakakadugong English. Sinabi ko sa saitang iyon ang maling tanong at sinabi ko ang dahilan ko kung bakit iyon mali pati ang mga choices. Namumula na siya sa inis kaya hindi na niya ako pinatapos sa pagpapaliwanag at pinaalis na sa multi-purpose hall.

WP New Stories' One-Shot Story ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon