Bato Bato Pik. Isang larong pambata. Sinong mag-a-akala na sa simpleng laro na ito, ay pwedeng mabago ang buhay ng dalawang tao.
**Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ**
"JASON!" Sigaw ni Angel kay Jason nang makitang papasok ito sa canteen ng kanilang paaralan.
Napahinto naman si Jason sa paglalakad ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya, lihim siyang napangiti, hindi niya na kailangang tignan kung sino ito, dahil kilalang-kilala na nito ang boses ng pinaka-matalik na kaibigan.
"Ang-ge!" mabilis siyang lumapit dito.
Kumunot ang noo ni Angel. Natawa siya, alam niyang maiinis na-naman ito dahil sa tinawag niya. Ayaw kasi nitong tinatawag siyang 'Ang-ge'.
Plinantsa ni Jason gamit ang daliri ang noo nito. "Nakakunot nanaman ang noo mo. Sinabi nang wag mong gagawin yan eh, lalo kang pumapanget." Pangaasar pang sabi niya, na lalong ikinainis nito.
"Tse! Nagdala pa naman ako ng lunch para sayo, tapos aasarin mo lang naman pala ako!" sabi nito at umirap sa kanya.
Mabilis niya naman itong sinuyo, lalo na't nakita niya na adobo na paborito niyang ulam ang dala-dala nito. Lahat na ng pagpapacute at pagsusuyo ang ginawa niya ngunit hindi ito tumatalab kay Angel.
Pero bigla may naisip si Jason, mabilis siyang pumasok sa loob ng canteen, na ipinagtaka naman ni Angel. Hindi pa nakakalipas ang animnapung segundo ay sumunod na din siya sa loob at humanap ng hindi okupadong lamesa.
Inaayos na ni Angel yung mga pagkain sa lamesa, nang biglang may Ice Cream na humarang sa paningin niya, inangat niya ang tingin, para tignan kung kanino iyon nang-gagaling, lihim siyang napangiti, nang makita niyang kay Jason ito galing.
"Oh ayan," inabot ng binata ang dala-dala niyang isang cup ng chocolate Ice-cream.
Nagningning naman ang mga mata niya. Paborito kasi niya ang Ice-Cream.
Napangiti si Jason dahil alam niyang hindi ito makakatanggi sa Ice-cream na inaalok niya, binigay niya ito hindi dahil lang para makain ang adobo, totoong para hindi na ito magtampo sa kanya. Natawa nalang siya ng mabilis itong kinuha ni Angel sa kanya.
**Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ**
Tumunog na ang Bell, hudyat na tapos na ang klase nila. Muling tinignan ni Jason si Angel. Nagkasalubong ang kilay niya ng makitang matamlay pa rin ito. Kanina habang nagdidiscuss ang huling guro nila ay wala na ito sa mood. Ang akala niya ay nabobored lang ito at gusto nang umuwi. Pero ngayong uwian na ay ganun parin ang itsura nito. Kagad siyang nagalala. Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang kaibigan.
"Anong problema?" Tanong niya pero hindi siya nito pinansin. "Ang-ge." tawag niya, pero sinamaan na siya nito ng tingin.
"Gutom na ako, Jay-Jay." Parang batang sagot nito. Napairap siya sa kawalan. Gutom lang pala ito. Akala niya kung ano na ang nangyari at kung ano na ang problema.
"Eh kailan kaba nabusog? Ang taba-taba mo na, oh." pangbibiro pa niya, at pinisil-pisil ang braso nito. Hindi naman ito mataba. Tama lang ang pangangatawan nito.
"Sapak, you want? Gutom na ako. Uwi na tayo."
Inayos lang nila yung mga gamit at sabay na umuwi, magkatapat lang naman ang bahay nila kaya lagi silang sabay na umuuwi, lalo na kapag walang ginagawa si Jason. Siya kasi ang President ng Student Government. At swerteng libre siya ngayong araw.
Dumiretso sila sa bahay nila Jason. Mali. Sa kusina pala ang deretso nila.
Nagbukas kagad ng Refrigerator si Angel, ilalabas na sana niya yung nakita niyang Ice-cream pero pinigilan siya ni Jason.
BINABASA MO ANG
WP New Stories' One-Shot Story Contest
Non-FictionSali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :)