C H A P T E R 1
* * * * * * *Brenda's POV
Masyado na yata akong nagiging masungit kay Mc,siguro panahon na para kalimutan ko yung mga pangyayari noon.
10pm na pala,nahanap na kaya niya si Mhelvie?
Para matigil ako sa pagiisip,tumayo ako,kinuha ko yung balabal na panlaban sa lamig,ito lang din yung una't huling regalo ng inay ko noon.
Lumabas ako ng kwarto namin.At sinalubong ako ng isang malamig at nakakikilabot na hangin.
Habang naglalakad ako,aksidente kong nadaanan ang lumang office ng school namin.
Parang may nagtulak sa akin para pasukin ito.Pagbukas ko ng pinto, mas nauna pa sa akin yung balabal ko.
Wala akong choice kundi kunin ito.
Pero madilim hindi ko makita kung saan ito napunta.Binuksan ko yung ilaw,pero laking gulat ko ng may babaeng nakabihis guro ang kumuha nito.
"Saiyo ba ito Brenda?"
"O--opo" sagot ko,paano niya nalaman 'yong pangalan ko.
Napatulala ako ng unti-unti siyang humarap.Kilala ko siya, kilalang kilala,pero bakit anong nangyari sa kanya.
Papalapit siya ng papalapit pero ako papalayo ng papalayo.Hanggang sa wala na akong maatrasan dahil nasa table na ako sa gilid ng pader.
Hindi siya tuluyang lumapit,bigla siyang lumutang at umiyak sa harap ko.
Umiiyak ng dugo,ibigsabihin patay na siya.Papaano?
"Brenda,tulungan mo ako"
"Brenda,tulungan mo ako"
"Brenda,tulungan mo ako"
Paulit-ulit niyang sambit.
Hanggang sa dumilim ang buong paligid.
Kukunin ko na sana yung balabal ko sa harapan ko.Nang nakakapangilabot na sigaw ang marinig ko.
"WAAAAAAGGGGGGGG" sigaw na animo'y nagmamakaawa.
Napalayo ako bigla sa table na sinasandalan ko.
Dahil sa pakiramdam ko nababasa ako,pagbuhay ng ilaw,puro dugo ako sa katawan.Dugo niya.
Pagtingin ko sa table,siya ang nakita ko.Nakasubsob sa mesa,at may tarak na kutsilyo ang leeg.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...