Chapter 13
* * * * * * * *Dan's POV
Nasa tapat na kami ng AVR nila Al at Genesis,pero bakit ayaw mabuksan.Hindi namin mabuksan sa harap kaya baka sa loob ito mabubuksan.
"F.ck.Pano yan?" Mura ni Al ng pilit niyang pinipihit ang pinto.
Nagulat kami ng makarinig kami ng umiiyak,tapos nagsalita.
"Bwiset!Bakit bitin?Hayan na eh,Lee Min Ho na.Binigay na iyong card,siya na ang pang-pitong hahalikan tapos,tapos,"
Humihikbi pa ito.Pero ang weird.Napatingala kaming tatlo sa taas,bukas ang speaker ng AVR,soundproof pero pag bukas ang speaker maririnig mo lahat ng ginagawa sa loob.
"tapos,malapit na iyong malalambot at mapupulang labi nila na lumanding sa isa't-isat tapos ENDING NA!WAAHHHHH!BITINNNN WAHHHHH"
Ang sakit sa tenga.Tapos si Lee Min Ho lang pala,'di hamak na mas gwapo ako sa Lee Min baHo na iyon.
"Pamilyar siya," Sabi ni Al,habang napapaisip.
"Next naman,Suspicious Partner ni Ji Chang Wook,OMYGAASSHHH!I LOVE BED SCENE and HIS SIX PACK ABS!" Para pa siyang naglalalaway ng iniisip ko ang itsura niya.
Baliw na yata ito,kanina umiiyak ngayon naman kinikilig.Tapos ano daw?She loves bed scene,pati pala mga babae.Tapos abs daw,mga babae nga naman nandito naman kami pero bakit gusto pa nila ang mga Koreano.
"Sh.t!Si Kim 'yan,siya lang ang jeje sa atin,at siya lang din ang sobrang baliw sa mga K-Drama" Sabi ni Genesis.
Hindi naman sa Jejemon,pero ginagaya niya kasi ang pananamit ng mga Korean,maluluwag na damit tapos colorful pa tapos naka-black eyeliner pa siya,idagdag mo pa ang pagsasalita niya ng Hangul na para sa iba Alien raw.
"KIM!KIM!KIM!KIM!KIM",Katok nila sa bintana.Sana marinig.
Pati ako nakikatok na,sana mapansin man lang niya.
"Anong ginagawa niyo diyan?" Nagulat kami kaya bigla kaming napalingon sa likod namin.
"Oh!Peter,a-anong ginagawa mo rito?" Saka ngumiti ng alanganin si Al.
"Napadaan lang,anong ginagawa niyo diyan sa tapat ng AVR?" Tanong niya habang nakapamulsa pa.
"Wala,nililinis lang namin ang salamin ng AVR,ang dumi kaya oh!maalikabok pa?" Sabi ko tapos nagkukunwaring nililinis ang bintana.
"Oo nga naman Peter,saka ---"
"WAAAHHHH!AYAN NA AYAN NA!MALAPIT NA MALAPIT NA!OMYGHAD! WAAHHH!AYAN NA PUMAPASOK NA SIYA!WAAHHH ANG LAKI!"
Biglang napakunot ng noo si Peter,tapos bigla siyang nandiri.
"Ay,sayang ang laki pa naman ng bulaklak tapos nakapasok na siya sa loob ng kwarto ni Girl,hindi naman pala si Girl,maid lang pala.Hayyyssss!"

BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...