Chapter 25

95 4 4
                                    

Chapter 25
* * * * * * * *

Ysa's POV

Kung tumakbo ako ngayon ay daig ko pa si Flash kaya pwede na rin siguro niya ako maging sub,at kung nasa kalagitnaan ako ng laban ng mga atleta ay malamang nanalo na ako.

Kasing bilis ng tibok ng puso ko ang bilis ng takbo ko ngayon para lang humingi ng tulong.

Lumabas ako ng building namin, at pumunta sa may dorm namin.Naiwan ko kasi ang phone ko,at yun lang ang way para makatawag ako sa private doctor ng school,oo may koneksiyon ako lalo na't presidente ako ng aming klase.

Nang makarating agad ako ng dorm namin, agad na nahagip ng paningin ko ang isang bote ng gamot sa table ni Joan ito yung gamot na iniinom ni Brenda,kaya hindi ko na rin naman iyon pinag-isipan pa,pero ang weird lang dahil hindi siya nauubusan ng supply.

Agad ko ng kinapa ang bag ko kung saan doon ko tandang inilagay ang phone ko.

Sa sobrang inis ko,ibinuhos ko na ang laman ng bag ko.
Mga barya,makeup-kit,at iba pa ang tanging laman ng bag ko.

'Asan na ba yun?'

Nakatataranta na.

Baka naman nahulog sa ilalim ng kama,saktong pagyuko ko dalawang paa ang nakita ko.

Damn.Bukas pala yung pinto.Sa dinami dami ng kalilimutan kong isara,bakit yung pinto pa.

Hindi ko na nagawa pang iangat ang ulo ko dahil sa takot at tagaktak na pawis na ang tumutulo sa akin at nagsimula na akong mag-isip ng mga kung anu-ano.

Baka ako na yung susunod.
Juskkoo!Wag naman sana.

Palapit ng palapit yung paa.
Kanino kayang paa 'to.Ang ganda kasi pwedeng panlalaki at pambabae.

Dahan-dahan kong iginapang ang kamay ko papalapit sa phone ko habang nakapikit.

Ayan malapit na,ramdam ko na.
Jusko!kayo na po bahala sa akin.

Hanggang sa mapasigaw na ako dahil sa kamay na humawak sa kamay ko.

"WWWAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH"

"SH.T!YSAAA"

"HUY!YSA!"

"YSA!AKO 'TO!"

huh?

"YSA!SI PETER 'TO."

Unti-unti akong dumilat.
o.-
o.o

At nakahinga ako ng maluwag pero may inis at takot pa rin.Akala ko talaga mamamatay na ako.Bwiset!

"FVCK U!PETER! WALANG HIYA KA! AKALA KO KATAPUSAN KO NA!" Bulyaw ko sa kaniya at dahan-dahan akong tumayo at umupo sa kama habang hawak hawak ang balikat ko,nangawit kasi.

"BWISET KA TALAGA!" Ayan naluha na ko,halo halo na kasi yung nararamdaman ko kaya wala akong nagawa kundi iluha na lahat.

"Tsk.Huy Ysa wag kang umiyak, hindi ko naman inisip na magiging OA ka pala,baka kasi maistorbo kita sa ginagawa mo,masyado kasi akong nagtaka kung bakit ka nakayuko eh nakita ko pa yung gamit mo sa kama na sabog kaya mas kinabahan ako,biglang pumasok sa isip ko na ba-baka pinatay kana ng killer,kaya agad na akong yumuko.Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong phone mo pala talaga yung sinadya mo,para hindi kana mahirapan ako na yung umabot. 'Liit kasi ng braso mo...."

"ANONG SABI MO!"

"Wala...saka heto na nga pala yung phone mo." Umirap ako sa kaniya bago abutin yung phone ko.

Bwiset.

"Bilisan mo,hinahanap kana nila.Joy needs your help." Wika ni Peter.

Agad ko ng dinial yung number ng priv. doctor namin at agad naman itong nagring.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon