Chapter 28

71 6 0
                                    

Tap to vote please :)

Chapter 28
* * * * * * * *

(Continuation of Michael's Point Of View)

Bigla na lang akong napadilat ng maramdaman ko na may kumakagat sa akin.

Tsk.Lamok.

Teka,ano bang nangyari? Nasaan ba kami?

Nilibot ko ang aking paningin, nandito na naman pala kami sa lumang office.

"SLEEPING GAS YAN! TAKPAN NIYO MGA ILONG NIYO!"

Argh. Ano bang trip 'to? Langya naman oh. Napapalag palag ako, upang makawala sa taling ito pero dahil mahigpit wala akong magawa.

"NOAH,HOY! NOAHHHH!" umusod usod na lang ako papalapit kay Noah.

"Ba-bakit ba?"

"BAKIT KA DIYAN? HOY NAKAGAPOS TAYO NGAYON!" Sigaw ko sa kaniya, sobra na rin yung kamanhidan ni Noah.
Nakababanas na -_-

"GUYSSSS GISING NA!" Narinig ko ng gumising si Junnel dahil mismong boses niya yung sumisigaw.

"SABI NI PAPA NOAH!" Dugtong pa niya.

"Arghhh. Naulit na naman yung nakaraan, sh.t! nakakahilo." Reklamo ni Arjhay.

"Gasshh. Ano bang trip ng killer? Dami niyang pakulo. " Inis na sambit ni Marione.

"Psycho yata yun eh! HOY PSYCHO, KUNG SINO KA MAN PAKIUSAP LANG KUNG PAPATAYIN MO KAMI 'WAG MO NG DAHAN-DAHAHIN, TI-NO-TORTURE MO LANG KAMI! TSSK." Sigaw ni Justine.

"TAMA ALAM KONG NARIRINIG MO KAMI DAHIL MAY TENGA KA NAMAN SIGURO KAYA WISH KO LANG SAYO NA KUNG PAPATAYIN MO NA AKO, KUNG PWEDE BA 'WITH LUST' PARA NAMAN MAY HUSTISYA ANG PAGKAMATAY KO SAKA HINDI KITA MUMULTUHIN PWAMISE BASTA TUPARIN MO LANG YUNG LAST WISH KO."

Aba't! higad talaga tong si Junnel, mamamatay na nga lang may wish pa. Hindi ko tuloy mapigilang mapailing dahil nakuha pa nilang lumandi't mag ingay.

"OMYGHAD! OMYGHAD! SAME WISH DIN GUSTO KO KATULAD NG KAY JUNNEL! KILL ME WITH LUST SOMETHING DIFFERENT PERO DON'T WORRY MAMAMATAY AKONG PAYAPA'T MAY NGITI SA LABI! Nagmamahal, Angeleen"  Sinundan pa ni Angeleen, oh! Holy f*ck sila talaga yan.

"MANAHIMIK NGA KAYO! NAKUHA NIYO PANG GUMANYAN" Damn. High blood na naman yata si Mhelvie.

"Tssk. Inggit ka lang kasi Mhelvie, kung gusto mo lang din naman yung wish katulad ng amin ni Junnel, then go. Wag ka lang maninira ng wish, tssk."

"MANAHIMIK KA NGA ANGELEEN, SANA TAMA SI MHELVIE MANAHIMIK KAYO DAHIL HINDI NA NAKATUTULONG" Usal ni Mc kay Angeleen.

"Eh tama naman kas—"

Magsasalita pa sana si Junnel ng magsalita si Brenda.

"Junnel tama na!"

"So-Sorry"

Agad naman nahagip ng paningin ko si Ysa na lumuluha na siyang resulta sa pagkaalarma ko.

"Si Darwin nasaan?" Tanong ko. Agad ko namang nakuha ang atensyon nilang lahat.

"Bakit Bro. ?" Dahan-dahan kong pinihit ang ulo ko sa pwesto kung nasaan si Darwin. Tiningnan kong maigi kabuuan niya, may tali rin sa paa't kamay katulad namin, so ibigsabihin nakagapos din siya katulad namin.

Hanggang sa biglang mag init ang ulo ko ng marealize ko na tinawag niya akong Bro.

"WAG MO AKONG MA-BRO-BRO HINDI KITA KAIBIGAN TRAYDOR KA! MANAHIMIK KANG HAYOP KA!"  Biglang kumunot yung noo niya.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon