Chapter 10
* * * * * * * *(Warning: Medyo SPG,pasensya na,walang samaan ng loob. :) )
"Si E-eugene" banggit ko sa kanila na halos mamuo na ang kaba ko sa dibdib ko.
Kinuha ni Dan ang aklat na Sudoku ni Eugene sa hinigaan nito saka binuklat.
"Sh.t! kay Eugene nga 'to!" Sabi ni Dan,
"CJ ikaw ang katabi ni Eugene kanina kaya ikaw rin marahil ang may alam,so anong nangyari?" Seryosong tanong ni Ysa.Habang sila hinihintay lang bumuka ang bibig ko.
"Ginigising ako ni Eugene kanina mga 3am siguro iyun,samahan ko daw siya umihi sa labas,eh syempre kapag naistorbo ka sa tulog maiinis ka lalo na't antok na antok pa ko."
"Then?" Taas kilay na tanong ni Ysa.
"Ayun hindi ko siya sinamahan,tapos natulog ulit ako.Ang alam ko lang baka lumabas na siya mag-isa." Pagtatapos ko sa kwento ko.
"EDI SANA SINAMAHAN MO NA!" Sigaw sa akin ni Al.
"TAN.GA!KAPAG SINAMAHAN NIYA SI EUGENE!PATI SIYA MADADAMAY!AT LALONG NAMATAY SILA NG SABAY!MAG-ISIP KA NGA!" Sigaw sa kaniya ni Patricia,matalik na kaibigan ni Al.
"Sorry naman!" Si Al.
"Oh.My.Gadddhh!Lumabag si Eugene sa protocol #3 ni Killer!" May panlalaki na mata na sabi ni Patricia, ng marealize niya ang sinabi niya kanina.May ilalaki pa pala ang mata niya,sa sobrang laki na ng mata niya,may mas malaki pa pala.
"Sinasarado ang mga CR or cubicle kapag hating-gabi,ibigsabihin sa likod pa ng building siya umihi" si Ysa
"BRENDA!SAAN KA PUPUNTA?"Sigaw nila Joan at Junnel kay Brenda,na halos hindi pa yata natatapos magsalita si Ysa kanina,alam na niya kung saan siya pupunta.
"Hayan na naman si Tasya!Laging nagpapakabayani!" May halong pagkainggit na sabi ni Marcie.
"Tumigil nga kayo Marcie!" Saway ni Mhelvie sa kanila.
"Why?Totoo naman ah,bakit piling ba niya maliligtas pa niya si Eugene, at iyong iba pa kaya halos siya ang laging nauuna sa crime scene.FEELINGERA!kasi siya.Ang WEIRD PA!Kaya namamatayan siya ng soon-to-be-boyfriend na niya dapat because of her attitude" dagdag pa ni Marione.
Palabas na dapat si Junnel ng pinto para sundan na rin sila Joan na sumunod kay Brenda,ng mapahinto dahil sa mga sinabi ni Marione.Bumalik si Junnel at lumapit kay Marione,ngumiti muna ito bago naging seryoso ang tingin niya kay Marione.
At nagulat na lang kaming lahat dahil sa ginamit na tono ni Junnel,boses ng tunay na lalaki.
"Bakit Marione? Malinis ka ba? Saka sino ka ba para pagsalitaan mo siya ng ganun hah?KAKLASE KA LANG NIYA!at ang mas nakakainis lang,HINUSGAHAN MO SIYA HABANG SIYA NAKATALIKOD!Eh ikaw Marione? May nagawa ka ba para lang iligtas sila? Diba wala rin,kung tutuusin nga mas masahol ka pa sa mga pagala-gala diyang babae sa labas ng school,mga naghihintay ng mga lalaking sabik sa laman.Nakalimutan kong sabihin kung ano ang tawag dun,GRO or PROSTITUTE!" Napatigil si Junnel ng makita niyang umiiyak si Marione.
Pero ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagsasalita.
"Nasagasaan ko ba ang pagkatao mo hah! Marione?Pasensya na hah!hindi ka kasi marunong TUMABI! For short, LUMAGAY KA SA TAMANG LUGAR! At higit sa lahat WALA KANG KARAPATAN PARA MANGHUSGA!LALO NA'T KILALA MO LANG SIYA BILANG KAKLASE OR SO CALLED TASYA! KAYA MARIONE KUNG AKO SAYO,MEDYO DUMISTANSIYA KANA,KUNDI SA AMBULANSYA KA DIDIRETSO!" Sabi ni Junnel at iiwan na dapat niya si Marione ng huminto muli siya.
"Nakalimutan ko lang banggitin na ikaw ang prostitute na binabanggit ko kanina.Na bago ka makaapak sa SU,madami ka pang pinagdaanan na proseso." Saka tuluyan ng tumalikod si Junnel at lumabas na.

BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...