Chapter 9

115 5 10
                                    

Chapter 9
* * * * * * * *

Brenda's POV

  Nagising ako ng parang may kung anong malamig na bagay ang dumampi sa balat ko.
Minulat ko ang mata ko ng dahan-dahan, ng mapagtanto ko na nakatali ako sa upuan.
Hindi lang pala ako,kaming lahat.

Nilibot ko ang paningin ko,may whiteboard,may mesa,at  aklatan.At lahat iyon ay lumang-luma.

At napagtanto ko na nasa lumang office pala kami.

Pero teka paano naman kami napunta dito?Wala akong matandaan,ang huli kong maalala ay paakyat na kami papuntang dorm,maingay sila at lalong lalo na ang madilim na building na dinadaanan namin,at iyon lang talaga.

Ako pa lang pala ang gising,mali! hindi lang pala ako,pati si Genesis,Shane at CJ pa lang ang gising.

"Gisingin niyo sila." Sabi ko.

"Paano?" Mahinang tanong ni Shane,na halata ang kaba at takot sa kaniyang mga mata.

Umiling muna ako bago gawin ang paraan para magising iyong iba naming mga kaklase.39 na nga lang kami,ang hirap pang i-handle,minus si Kim ,na halos tumira na AVR.

Dahil magkakalapit lang kami,kahit nakatali ang paa't kamay namin,kayang abutin ng mga paa namin ang iba pang paa.

Tumingin ako sa kanilang tatlo,at tingnan-niyo-gagawin-ko-look.
Dahil katabi ko si Joan,siya ang una kong ginising gamit ang paninipa sa paa,at pagbulong.Lumingon ako sa kanila at ginagawa na nila iyong ginawa ko.

"NASAAN TAYO?" Tanong ni Junnel.

"Obviously,nasa lumang office tayo." Walang gana na sabi ni Lei Ann.Kahit madilim na,nakita ko ang takot sa kanilang mga mata.
Dahil maingay na,alam kong gising na silang lahat.

'Yong mga tanong na,'Bakit tayo nandito?','Sino ang may gawa nito?','Anong nangyari?'.
Ay parehas lang tumatakbo sa isip ko.

"MAY NATATANDAAN BA KAYO?" Malakas na tanong ni Danica.

"Wala/Wala rin" mga sagot namin.At iyong iba ay umiiling.

"Di kaya nagkaamnesia tayong lahat?" Tanong ni Robi.

"Amnesia?Eh,ito nga lang ang hindi natin maalala,Utak Robi,utak." Mataray na sabi ni Crisline.

"Temporary Amnesia, Utak din Crisline,utak."

"Nakuha niyo pa talagang mag-away sa gitna ng kapahamakan.Magsitigil na nga kayo,walang magaling pag nasa bingit kana ng kamatayan.At LAHAT TAYO WALANG MAALALA SA NANGYARI KANINA,except kung ang may gawa nito sa atin o ang killer ay patuloy pa ring nakakaalala." Sabi ni Ysa,katabi niya si Darwin na umusod-usod pa sa kaniya para magkalapit na sila ng tuluyan.Hanggang dito ba naman.

"Ako,naalala ko iyong iba.."
Napataas ang kilay ko ng marinig ko na nanggaling mismo kay Lerry iyon.

"Paano mo aber! maaalala kung kami nga hindi namin maaalala?" Tanong ni Joan.

"Ba-baka siya ang ki-killer...." Paputol-putol na sabi ni Darwin.

"Dahil siya ang nakakaalala." Dugtong pa ni Joel.

"Lerry,ikaw nga ba?" Tanong ko.Habang nakikipagtitigan sa kaniya.Dahil may pumasok sa utak ko ng mga panahong magkachat kami,iyong tanong niya na 'may alam ka ba sa mga pangyayari ngayon?',baka hinuhuli niya ako,dahil kung sino ang may mas alam,siya ang mahigpit na kalaban ng killer.

"Paano kung ako?May magagawa ba kayo?" At mas lalong tumalim ng tumalim ang tingin ko sa kaniya.

"Tinuring kitang kaibigan Lerry ,naming lahat,ng buong X-Sheol halos kapatid na nga simula pa noon,dahil parehas tayong solong anak,kahit pinagbintangan mo pa ako na magnanakaw noon,hindi ko dinibdib iyon,dahil pinaniniwalaan ko 'yong 'Nobody perfect',pero anong ginawa namin sayo,para gantuhin mo kami...para patayin mo si Sophia,si Rose Ann,si Elaine,Coline, Rose Merrie at Fhaye.Lerry bakit? BAKIT?" Sumbat ni Mc kay Lerry.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon