Chapter 27

76 8 3
                                    

Merry Christmas & Happy New Year 🎄🎁🎆🎇 !!

Tap to vote please :)

Chapter 27
* * * * * * * *

Mary's POV

Nandito ako ngayon sa tabi ni Lei Ann na hanggang ngayon ay tulog pa din,ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pag ingit niya o daing dahil sa sugat sa kaniyang binti na nagmula sa saksak ni Robi.

Hindi ko maisip na gagawin iyon ni Robi,hindi ko maisip na siya ang pumapatay.Parang ayaw tanggapin ng puso't isip ko yung mga nangyayari ngayon.

"Ma-Mary"

"Bakit Danica?Nandito ka ba para mag sorry sa akin.Pinapatawad na kita, atleast alam nating lahat na si Robi ang killer.Pero huwag ka sa akin humingi ng tawad, hindi ako ang nasaktan kundi si Lei Ann." Usal ko habang hindi pa rin humaharap sa kaniya.

"Hi-hindi ko kasi kayang tanggapin na siya ang gumagawa ng lahat na ito,nalilito ako at alam kong hi-hindi niya ito magagawa kilala ko siya wala siyang dahilan para pumatay kahit ulila na rin siya sa magulang." Paliwanag ni Danica,ramdam ko ang pait at sakit sa kaniyang boses.

"Malinaw na ang lahat Danica, si Robi ang pumapatay katulad ng ibang mga killer tahimik siya, hindi marunong makibagay, weird na para bang takot sa tao at kaya niya pinatay ang sarili niya dahil natatakot siyang humarap sa katotohanan,siya mga ginawa niyang kasalanan at sa mga hininga na kaniyang kinitilan kung tutuusin kulang pa ang pagkamatay niya.Kulang pa!"

"HINDI TOTOO YAN MARY! namatay ang kaibigan ko dahil baka napapagod na siya sa mga nangyayari sa atin ngayon kilalang kilala ko siya marami siyang pangarap at hindi niya kikitilin ang kaniyang hininga ng walang dahilan!" Sagot niya sa akin.

"Ate Ma-mary at Danica,tu-tumigil na kayo-AAHHHHH" Agad akong tumabi kay Lei Ann na balak pa yatang bumangon pero dahil biglang kumirot ang sugat niya sa binti,nanatili pa rin siyang nakahiga.

"H'wag ka munang bumangon,masakit pa ang sugat mo. Mamahinga ka muna." Wika ko.Tumingin naman siya kay Danica at hindi man lang ako pinansin pero alam kong narinig niya ako.

"Danica,"

"Lei Ann,I'm sorry hindi sinasadya ni Robi ang nagawa niya sayo. Kung ano man ang narinig mo sa pag-uusap namin wag kang maniwala. Robi is our classmate, friend, not our enemy nor a killer I know her a lot and she can't do that.So please sana mapatawad mo siya." Nagulat ako ng biglang ngumiti si Lei Ann.

"O-Ok lang, napatawad ko na siya.Naiintindihan ko naman kung ano man yung rason niya kung bakit siya pumatay, pumapatay baka may sakit lang siya sa pag iisip na hindi mo alam. Alam natin na kaibigan mo siya, pero hindi iyon sapat na rason para sabihin ang lahat ng mga sikreto sa ating mga kaibigan. Pasalamat ka na lang Danica dahil siya na ang kumitil sa sarili niya dahil kung iba pa ang gumawa niyon mas masasaktan ka lang. " May point siya, pero bakit ang dali sa kaniya ang magpatawad sabagay natural naman sa kaniya iyan, hindi siya yung tipo ng tao na mahilig magtanim ng galit.

"MARY, LEI ANN, DANICA LUMABAS MUNA KAYO DIYAN,SA CAFETERIA MUNA KAYO!" Sigaw ni Ysa na para bang may hindi na namang magandang nangyari.

"Lei Ann salamat dahil napatawad mo na siya pero hindi mo mababago ang paniniwala ko na hindi niya magagawa iyon.Gagawa ako ng butas para lumusot sa katotohanan at pag nagawa ko iyon mananagot ang may pakana ng lahat ng ito. " saka na siya tumalikod sa amin at lumabas ng kwarto.

Mc Rayson's POV

Ang dami dami kong pangarap pero hindi ko naisip na sa ganito lang magtatapos ang lahat.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon