Chapter 29(Continuation)

57 6 2
                                    

Chapter 29.5
* * * * * * * * *
(Continuation...)
.

'Believed, enjoy, and won'

'Yan ang nasa isipan ng lima habang naglalaro. Naging mainit na ang laban at unti unti na silang umuusad sa score na 45-49.

Hindi naman makapaniwala ang team Softer, na humahabol na ang kabilang panig.

"Damn. Parang naging lalaki bigla si Junnel!" Usisa ni Jeff.

"PUTA! JEFF YUNG BOLA!" Halos manlaki ang mata ni Jeff ng makita na ang bola papalapit sa kaniya, inaakalang tatamaan siya pero hindi.

"BOOOO" walang pasintabi na binunggo siya ni Junnel at inagaw ang bola.

"WOOOHHHH! JUNNEL ANG GALING MO!" Parang mga naasinan naman na mga bulate ang mga babae sa taas na nanonood sa mga taktika ni Junnel.

"Sh!t Junnel, kung nandito lang ulit si Elaine, madadagdagan na naman pogi points mo sa kaniya!" Sigaw ni Lei Ann.

Halos umikot naman ang mga mata ni Junnel sa mga nakadidiring papuri mula sa mga kaklase niya. Ang hindi alam ng lahat, nakasubaybay lang ang mga yumao nilang mga kaklase.

Halos mag alboroto naman ang mga bumbunan at ilong ng grupo ng team soft. Hindi magkamayaw ang mga pawis na nag uunahang tumulo sa kanilang mga leeg.

"F.CK!" Mura ni Genesis ng makita kung paano talisurin ni CJ si Noah, dahilan upang ito'y marahas na sumubsob sa sahig at magdugo ang ilong. Labag man sa kalooban ni Genesis, binigyan pa rin niya ng puntos ang maruming laro ng team soft.

"TANG—NOAH! Yung ilong mo dumudugo!" Sigaw ni Peter kay Noah.

"GADDHH! BABY NOAH YOU'RE BLEEDING!" May pag aalala sa tono ni Junnel.

"DON'T MIND ME! I'M FINE, LET'S CONTINUE THE GAME!" Punong puno na ng dugo ang ibabaw ng damit ni Noah dahil sa patuloy na pagtulo ng dugo nito.

"NOAH YOU CAN REST!" Sigaw ni Darwin, dahil napapansin na niya na nahihilo na si Noah.

"GASSH! SAGLIT MUNA! 2 MINUTES LANG!" Sigaw ni Ysa, lahat tumingin sa kaniya at dali dali itong bumaba kay Noah.
Hindi na nagpapigil pa muli si Noah, nagpahinga muna siya tulad ng sinabi ni Noah.
Para maging pantay ang laban binawasan rin ang kabilang grupo, si CJ.

"Kalalaki mong tao Noah, nahihilo ka!" Wika nito dahil naiinis siya na nabawas siya sa grupo.

"Tssk." Reply niya. Habang may hawak na yelo at inilalagay sa bumbunan.

"Hindi na kayo makakausad Noah, tingnan mo natatambakan na muli kayo" May halong pang aalipusta ni CJ kay Noah.

46-52.

"Wala akong pake kung matalo kami dahil sa marumi niyong laro, pero tatandaan mo CJ, walang nananalo na may pandaraya."

"Kaya wag niyo ng lokohin yung sarili niyo." Tumayo si Noah at lumapit kila Darwin at Lerry na may katabing tubig saka iyon nilagok lalo na't pinipigilan niya ang sarili niya na upakan si CJ.

"Nagkakainitan yata kayo ni CJ huh?" Si Darwin

"Tssk. Sinong hindi maiinis sa kaniya? Eh ang daya daya nila!" Medyo tinaasan niya ang tono ng kaniyang boses hanggang sa marinig ni CJ sa kabilang upuan pero inismiran lang siya na sobrang nagpainis sa kaniya.

Bwiset...

"JUNNEL YUNG BOLA! HUWAG MONG HAYAAN NA MAHAWAKAN NILA JEFF YAN!" Sigaw ni Noah.

"Yes.. Babe!" Sagot nito.

"Buti hindi ka naiinis kay Junnel?" Tanong ni Lerry

"Sanayan lang 'yan saka para siyang kapatid kong babae" pagmemesmerize nito.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon