Chapter 2
* * * * * * * *"Oh,Brenda humahangos ka yata" si Rio,na una akong makita dahil ginagawa niyang salamin yung bintana para makita kung pantay ba ang make up niya o hindi.
"Tu---tulungan niyo ako," sa pagbitaw ko ng salita na iyon.Naagaw ko ang atensyon nila.
"Bakit?Ano bang nangyari at basang basa ka?" Tanong ni Mc,na kasalukuyang nageexplain.
"Si So---sophia!!!!" Hingal kong sambit.
"BAKIT?ANONG NANGYARI KAY SOPHIA!!?" Sabay sabay na sabi ng PBB Cheering Squad at pati si Genesis ay napatayo din na may halong pag-aalala ang mukha.
Hindi na ako nagsalita at tumakbo na papunta ng CR at sumunod naman kaagad siya.
Hindi ko na nagawang,pumasok pa dahil ayoko na ulit makita ang kalunoslunos niyang kalagayan.
"SOPHIIIAAAAAAAAAA" hindi ko alam,pero naawa ako sa kanilang lahat.Sa unang beses na nakita kong nag-aalala ang PBB,at hindi sila nandiri sa itsura ng cubicle.
Humahagulgol silang apat,na damang dama mo ang awa sa bawat hikbi na mga nanggagaling sa kanila.
Lalapitan ko sana sila,ng maunang lumapit si Ate Mary.
Magsasalita pa lamang ako ng maramdaman ko ang sakit ng palad niya na dumapo sa pisngi ko.
"Wa--wala akong ginawa" hindi ko alam pero bigla na lang ulit tumulo ang luha sa pisngi ko.
"ATE MARY!" pigil ng GSS sa kanya ng sasampalin pa dapat ulit ako nito.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko o dipensahan man lang ang sarili ko sa kanya.
"WALANG HIYA KA!ANONG GINAWA NI SOPHIA SAYO PARA GANYANIN MO SIYA?ANONG GINAWA NAMIN SAYO PARA GANTOHIN MO KAMI?BAKIT BRENDA?NAIINGGIT KA BA SA POPULARITY NA MAYROON KAMI?" Bulyaw ni Ate Mary sa akin.
"Wala akong ginagawa sa kanya dapat nga tutul----"
"STOP IT!" Sigaw ni Elaine sa akin.
"Maniwala kayo,wala akong ginagawa,kahit itanong niyo sa Queen Bees." Saka ako lumingon sa kanila pero umiling lang ang mga ito na sinasabing 'wala silang alam.'
"Ano ba Marcie?Crisline?Marione?Ikaw Justine? Diba nakita niyo ko,may hawak pa nga akong napkin."
"Anong nakita?Eh,hindi ka nga namin nakasalubong eh."
Nakakainis,bakit ayaw nilang magsabi ng totoo.Makarma sana sila.
Tumingin ako sa kanilang lahat.Halos lahat sila dismayado ang mga mukha.Si Junnel at Lerry lang nakita kong hindi naniniwala sa kanila.
"Joan...."
"Walang evidence,kaya wala akong pinapanigan sa kanila." Sabi niya saka ngumiti.
Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin. Si Junnel pala.
"Bakit Elaine at Ate Mary?Napatunayan niyo bang siya ang pumatay kay Sophia?" Nakangisi nitong tanong.
"Aa---ahhh,look,yung panjamas niya puno ng dugo,saka----" mag-iisip pa sana siya ng magsalita ulit si Junnel.
"Stop Elaine, Arjhay at CJ,pumunta kayo ng office,sabihin niyo kay Mr.Valencia ang nangyari.Wala itong patutunguhan kung lahat kayo magsisisihan." Sabi ni Junnel,at sinunod naman siya ng dalawa.
Ewan ko ba,pero natuwa ako sa ginawa ni Ku---I mean Junnel.Kahit ngayon lang naramdaman kong nagpakalalaki siya,at si Elaine pa na may gusto o baliw na baliw sa kaniya ang ginanon niya.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...