Warning : Bawal ang SPOILER, kung nabasa mo na,pwes!manahimik ka!.Bawal ang MAGTANONG,kung hindi mo pa ito nababasa,magbasa ka sa iyong sariling paraan.Para ito sa kapakanan ng storya na ito.Sana'y iyong maunawaan.
| GOODLUCK READERS |
Chapter 5
* * * * * * * *"I'm tired Darwin,tigilan na natin ito."
Para akong binuhusan ng tubig na malamig,dahil sa sinabi niya na iyon.
"Tama na yung dalawang taong mahigit na ipinapakita mong special ako sayo,ayaw mo ng commitment diba?Kaya ka nakipagbreak kay Rose Ann noon-----"
"NO,I mean iyong kay Rose Ann dare lang iyon,dahil----" naputol ako sa pagsasalita ng magsalita muli siya.
"You don't need to explain,clear naman lahat sa akin.Kaya pakawalan mo na ako,pagod na 'ko,pagod na pagod na.Nandyan naman si Peter,safe ako sa kaniya." Saka siya ngumiti pero bigla kong hinila si Ysa ng marinig ko ang pangalan ni Peter.
"Wag mo ngang babanggitin yung pangalan ng epal na iyon," sabi ko. F.ck!I smell her perfume again,and it's intoxicates me.
"Pakawalan mo na ako Darwin," pumapalag pa siya pero habang ginagawa niya iyon mas hinihigpitan ko iyong yakap ko sa kaniya.
"DARWIN ANO BA?" naiinis na siya.
"Sssshhh.Don't talk,just listen to me." Sabi ko habang kayakap pa rin siya.
"Una sa lahat,yung kay Rose Ann,dare lang iyon,nakipagbreak ako sa kaniya, dahil gusto ko ng magseryoso,nagsimula lahat ng iyon,dahil sayo.Alam mo bang sa loob ng dalawang taon na iyon,may isang bagay akong narealize,'Don't cheat,dahil doon napapadali ang mga bagay na gusto mong tumagal'.Pangalawa, gusto ko ako lang,ako lang iyong tinitingnan mo,kinakausap mo.Dapat ako lang.I'm jealous, kapag siya ang nakakasama mo,gusto ko man siyang banatan,kaso sa isip isip ko,'huwag,dahil nakikita kong nakangiti ka,at ayokong sirain iyon,gusto ko lagi lang masaya,pero gusto ko,dahil sa akin'.At panghuli,....."
Huminga ako ng malalim bago magsalita muli.
"Wag mong sasabihin na pagod kana,dahil kailanman 'di ako napagod na mahalin ka." Pagkasabi ko nun,nakaramdam ako na nababasa na ang balikat ko.
"Ysa," Aalisin ko na dapat siya sa pagkakayakap ko,ng biglang humigpit.Ayaw niya talagang may nakakita na umiiyak siya,ganiyan siya minsan.
Bigla akong napangiti ako,'di dahil ayaw niyang mawala sa pagkakayakap ko.Dahil sa alam kong mahal niya rin ako.
"Tha-Thank you," mahina niyang sambit.
"I love you too" sagot ko.Saka hinalikan siya sa noo.
"Sabi ko,thank you.Hindi 'I love you'" bawi niya.
"Bitaw na...." Malamig kong tugon.
"Bakit?"
"Punta na tayo ng room." Sabi ko pa.Saka pinilit kong tanggalin iyong kamay niya na nakayakap sa akin.Saka naunang maglakad,palabas ng garden.
Tatlong salita lang,hindi niya masabi.Di niya alam kung ano epekto noon sa akin pag sa mismong bibig niya nanggaling.
"Darwin,teka lang naman." Sabi niya.Pero hindi ako huminto.
"Da----darwin" pero bigla na lamang akong napahinto ng marinig ko ang utal utal niyang boses na natatakot.Mabilis ako lumingon at tumakbo papunta sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Misteri / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...