Chapter 8

113 6 4
                                    

Chapter 8
* * * * * * *

Fhaye's POV

"Fhaye saglit lang CR lang ako, mauna kana." Paalam ni Rose Merrie sa akin.Tumango ako sa kaniya.

"Teka,alam mo ba kung saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango siya saka tinuro 'yong signage na 'Rest room-this way⤴' sa may dinding ng chapel.Tumango na lang ulit ako.

Nagbukas muna ako ng tweeter ko,nakakainggit naman 'yong iba.Bakasyon na nila,samantalang kami,kahit mahal na araw na,nasa school pa.

"Bakit mag-isa ka,si Rose nasan?" Tanong ni Jaeben.

"Nasa restroom" sagot ko.

Bigla namang may dumating na isang school van,sila pala iyong mga nahuli,sila Mr.Valencia,Junnel,Brenda, Joan at iba pa.

Hindi ko sila pinansin.Tss.Naiinis ako sa kanila bakit ba?

"Ang tagal naman ni Rose" reklamo ni Jaeben.

"Edi pumasok kana sa loob,wala namang nagsabi na hintayin mo kami!"saka ko siya inirapan.

Hindi na siya sumagot.Nagulat na lang ako,wala na siya sa tabi ko,nasa pinto na siya ng chapel.

Nakarinig naman ako ng mga nagbubulungan.Member ng Glee Club at Isayaw mo,Iindak mo Club.

"Ano ba nangyayari sa inyo Joy?" Tanong ni Rica,grade 10 din sila,kaso ibang section nga lang.

"Ewan ko ba,ang hirap i-explain" sagot ni Joy

"Nako,kung ako sa inyo umuwi na lang kayo" sabi naman ni Bianca.

"May tinatapos pa kasi kami" sabi ulit ni Joy.

"Eh,ano naman?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Project sa Hell," walang gana niyang sagot.

"Gagraduate na lang kayo,may ganiyan pa.Jusmiyo!anong klase bang adviser yang si Ma'am Rosen ha?Bakit di niyo sabihin sa principal natin?" Si Bianca.

"Tiyak naman na alam ni Mr.Valencia iyon."

"Buti pala kami ok na.Pati iyong clearance namin." Si Rica.

"Hoy Laarni,nakatulala ka na naman kay Mc," asar ni Rica.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon