Chapter 24
* * * * * * * *Narrator's POV
Hindi na ngayon mapakali pa si Mc sa kinauupuan niya dahil lang sa laro na ito.Na pakiramdam niya hindi lang basta laro lang ang lahat,dahil seryoso ito.
'Sa buong buhay ko,hindi ako kinabahan ng ganto kahit sa mga contests na sinasalihan ko,kalmado lang ako.Pero ngayon, daig ko pa ang bibitayin dahil sa kaba...'
Yan ang nasa isip ni Mc ng magsimulang magtanong si Jandel.
"Unang tanong,sino si Mc Rayson?" Diretsong tanong ni Jandel.
"Answer him Mc Rayson!" Utos ni Brenda kay Mc pero bigla siyang ngumiti bago magsalita.
"Mc Rayson? It's me. One word to describe me? Well I'm perfect." Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa sa pagsasalita kaya iyon agad ang naisagot niya.
"How can you say that?Prove it." Tanong ni Brenda na humila pa ng upuan dahil nakararamdam na rin siya ng panginginig ng binti dahil sa ngawit.
"TEKA NGA!Diba Brenda? Abogado kita?So dapat ipagtanggol mo ko.Eh!bakit bato ka ng bato ng mga tanong?" Kunot noo na wika ni Mc.
Nakisimpatiya rin naman ang kanilang mga kaklase sa sinabi ni Mc.Tama nga naman dahil ang tungkulin ng isang abogado ay ipagtanggol ang kaniyang kliyente sa oras na ito'y madehado.
Biglang napatigil si Brenda pero binawian agad niya ito ng isang nakapangingilabot na ngiti.
Dahilan upang matigil ang lahat."Hindi lahat ng abogado ipinagtatanggol o kinukonsinte ang kliyente nila,may iba na gustong makamit ang katarungan sa ulong hawak nila." Wika ni Brenda,na siyang ikinagulo ng isipin ng lahat.
"Ano daw?"
"Ang gulo talaga ni Tasya!"
"Tama si Mc,dapat ginagawa ni Brenda ang trabaho niya."
"At iyon ay kampihan si Mc hanggang dulo ng labanan..."
"Akala ko ba naman tinigil na niya ang mga haka-haka niya.."
"Eh!Ganun pa rin naman pala siya"
Akala siguro nila,hindi naririnig ni Brenda ang mga bulungan nila.
"Ssshhh.Manahimik nga kayo!" Saway ng kanilang presidente,si Ysa.
"Lahat ng sikreto kapag ikinubli dehado ka sa huli. Kapag ang katotohanan ay pinagtakpan mamamatay ka sa kasinungalingan na hindi nalalaman ang katotohanan...sa madaling salitang, mamamatay kang WALANG ALAM!"
Sa tonong ginamit ni Brenda, at sa mga salitang kaniyang binitawan biglang natahimik ang buong silid na wari'y may nagdaang anghel.
At isa-isa lamang ang nasa isip ng lahat.
'May laman ang mga katagang binitawan ni Brenda'
"OK!OK!Masyado kayong seryoso!" pinatunog ni Jandel ang hawak niyang martilyo dahilan upang mabalik sa katinuan ang lahat.
"So,Mc paano mo naman mapatutunayan na matalino ka talaga?May nagawa ka ba na siyang ikinabayani mo?" Tanong ng hukom.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...