Chapter 34
* * * * * * * *Brenda's POV
Aray! Ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak na ewan. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata ng mapapikit muli ako dahil sa liwanag na tumama sa mga mata ko ng sandaling iyon.
Nasaan ba ko?
Itinukod ko ang kamay ko sa gilid at ambang tatayo sana ako ng may magsalita.
"Gising kana pala."
Ibinaling ko ang ulo ko sa kanan kung saan nagmula ang boses na iyon at dahil medyo nanlalabo pa ang mata ko, kinusot ko ito hanggang sa tuluyan ko siyang maaninag.
"Ka-Johnny... "
"Ako nga, may masakit pa ba sayo? "
"Yung ulo ko po... "
Binigay niya sakin yung salamin at nagulat ako ng may benda ako sa ulo.
"Tatlong araw ka ng tulog, ganun din ang araw ng pamamalagi mo dito. "
"PO? PANONG NANGYARI NA—"
Flashback..
(Death of Crisline.. Chapter 30)
Sa sandaling nangyayari ito, napapikit na lamang ako dahil wala akong magawa. Wala akong magawa para pigilan ang bangungot na ito.
Hanggang sa naramdaman ko na may kung anong basa sa aking pisngi.Luha pala.
"A-Ate ok ka lang ba?" Si Junnel.
"Kailangan ko siyang kausapin, wala pa rin siyang ginagawa hanggang ngayon. Pag nanatili siyang tuod, kikilos na ko kahit ikamatay ko pa." Magsasalita pa sana ang kapatid ko ng lumakad na ako at hindi na siya pinakinggan pa.
Sa buong buhay ko, marami na akong napagdaanang hirap at sakit na naranasan. Pero sa huli nanatili pa rin akong nakatayo't matatag. I miss her na, I miss my mom. Kung nandito lang siya baka siya yung kasama namin araw-araw at nasasabihan ng problema. Yung balabal ko na bigay niya, sa pagkakaalam ko nasa akin pa iyon. Natatandaan ko din ng mga panahon na nagpunta ako kay Mang Johnny, siya yung nakakita ng balabal ko.
Sa paglalakad ko, natagpuan ko naman ang sarili ko na nakatayo sa harap ng elevator. Iniisip ko na baka pag sumakay ako dito magpapakita na naman yung mga kaklase kong namatay, at baka magkita pa kami ulit ni Joan, tulad ng nakaraan.

BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...