Warning : Bawal ang SPOILER, kung nabasa mo na,pwes!manahimik ka!.Bawal ang MAGTANONG,kung hindi mo pa ito nababasa,magbasa ka sa iyong sariling paraan.Para ito sa kapakanan ng storya na ito.Sana'y iyong maunawaan.
P R O L O G U E
* * * * * * *--
"Ang buhay ay parang laro,minsan talo,minsan panalo,pero kung talagang matapang ka,handa kang lumaban." - LP
"Hindi lang pagkain ang may expiration date,pati BUHAY MO MERON."- LP
--
"Lahat naman ibibigay ko,sa isang condition?"
"Ano?"
"Bigay mo sa akin buhay mo,at ipapasa na rin kita"
"BALIW KA TALAGA PAG AKO NAKAKAWALA DITO,PAPATAYIN KITA"
"SHHHHH WAG.KANG.MAINGAY.MARINIG NILA TAYOOO"
" Kapag ba pinatay kita,aangal ka?Hindi diba?Pwes,magdasal kana.BWAHAHAHAHAHAHA" isang nakakapangilabot na tawa ang bumalot sa buong paligid.
Kumuha sya ng tubig na mainit, at unti-unting binuhos sa katawan ng binata.
Isang malakas na sigaw ag tanging maririnig sa kwarto na ito,daing ng sakit at hapdi.
At unti-unting tinapyas ang balat na para bang nagbabalat lang ng baboy.
"Ohhhh,you're so puti na,pasalamat ka nga sakin dahil may pagkakataon ka pang pumuti"
Hanggang sa di pa sya nakuntento,ay kumuho sya ng kutsara,at itinutok sa mata upang halukay--.
--
Sinarado ko ang lumang aklat na binabasa ko ang 'Last Project' ni Hellio,dahil sa kakaibang takot na nararamdaman ko ngayon.
Nasa kalagitnaan pa lang ako,kakaibang presensya na kaagad ang naramdaman ko.At hindi ko masikmura ang nangyayari sa istoryang ito.Nang may malaglag na mga punit na papel sa aklat ay kaagad kong pinulot at ibinulsa.
Akala ko sa mga aklat at mga pelikula lang ito nangyayari.
Akala ko lang pala.
Hindi ko inasahang mapapabilang ako sa kanila.
Matagal ko ng pinapangarap na mapabilang ako sa 'Pilot Section'.
Dahil akala ko masarap mapabilang sa kanila.
Yung tinitingala ka ng marami.
Yung saya at tawa ng bawat isa.
Yung mga asaran na di mawalawala.
Nagbago ang lahat sa isang pitik lang.
Parang kong nakatira sa Lethal.
Lugar kung saan ang daming bawal.
.........
Nang maranasan ko ng maging isa sa kanila.
Gusto kong lumabas.
Gusto kong gumising sa bangungot na kailanman di ko ginusto.
Kahit na gustuhin ko,hindi mangyayari.
Lalo na kung kontrolado nila ang lahat.
Humikab ako,at ipinikit ang mga mata ko.
'If you are not one of them,consider your self as lucky.'
------
"Hoy,Brenda gising na,nandyan na si Ma'am,kakapasok mo lang natutulog kana agad" yugyog sa akin ni Kim.
Inangat ko ang ulo ko.At nasa harapan ko na nga ang adviser namin.
Si Mrs.Rosen Peñaflor
"GoodMorning,Brenda."
"GoodMorning,Ma'am" walang gana kong sagot.
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko.Para silang naaawa pero deep inside,masasaya yan.
"Hindi tinutulugan ang klase ko"
"Sorry po Ma'am"
Paghingi ko ng pasensya.
Kung tatanungin nyo ko about sa kanya,well,masungit sya sa akin.Parang laging kumukulo yung dugo nya sa akin,tuwing nakikita nya ko.
"Ok,let's proceed to your last project it's-------"
Naputol yung pagsasalita nya ng may umepal.
"Excuse daw po sa inyo Ma'am,pinapatawag po kayo sa office"
"Sige,susunod ako"
"Wait lang students, I'll go first muna,babalik din ako"
Nag-umpisa na naman yung mala-palengke naming room sa ingay.
Kaya yumuko ulit ako.
Pashnea,kulang ako sa tulog kaya ganto ko.Tinanggal ko yung salamin ko,saka yumuko ulit.
"Matutulog kana naman,kaya ka napapagalitan ni Ma'am ee" si Kim.
"Shhhhhh,ingay mo"
Kung nag-eexpect kayo na may bida sa story na 'to.Well,don't expect kasi walang bida.
Napaisip na naman ako,ano kayang proyekto ang ibibigay ni Ma'am.Nakakapagtaka naman kasi ngayon lang sya nagbigay ng proyekto.
Saka Mid na kaya ng March,magmamahal na araw na din.Maipapasa pa kaya namin yun?
---
"If everything in this world is possible,you can get what you like,and you can do what you want.If you live in this world,with full of emotions and judgemental persons including your self.This is also a democratic country,but in this world,this is a Reverse of Reality.I ask you one question,WHO WILL BE THE REAL YOU IF YOU LET YOURSELF ENTER THIS ROOM?"
--To be continued....
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Misteri / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...