Chapter 4

126 11 3
                                    

Chapter 4
* * * * * * *

Brenda's POV

  Gabi na at ang lakas ng ulan sa labas,hindi pa rin kasi lumalabas iyong bagyo.Pero hindi pa rin ako makatulog,pakiramdam ko isa sa amin ang gumagawa ng mga pagpatay na ito.

Tumingin ako sa katabing kama ni Ysa.Bakante na ito, bakante na iyong kama ni Rose Ann.
Kamusta na kaya iyong PBB?Ok lang kaya sila,sana naman magawa nilang magmove-on.

Tumayo ako, saka binuksan itong drawer ko at kinuha yung aklat.
Inipit ko 'yong papel na nakita ko sa bangkay ni Rose Ann.

'Two down,Rest in peace Rose Ann.Mga napapala ng taong desperada.
Ps.Hello to the remaining 42.'

Dalawang punit na papel na ang nakaipit sa libro ko.Baka sa susunod,hindi lang ito dalawa.

*knock* *knock*

Gabing-gabi may kumakatok.Tumayo ako at binuksan ito.Tutal ako na lang naman ang gising.

"Brenda" si Mc pala.

"Oh,Mc bakit?" Tanong ko.

"Yung script nawawala," bigla akong natulala.

"Pumasok kana nga muna dito." Pinapasok ko muna siya,dahil ang lamig sa labas.

"Brenda sino 'yang kausap mo?" Si Joan

"Si Mc" sagot ko.Tumayo siya saka lumapit sa amin at naupo rin sa sofa.

"Nagmemeeting kanina sa room, nasa table iyong laptop ko at hardcopy ng script natin.Ibibigay ko dapat para i-xerox na lang ni Ysa kaso nang pumunta ka ng room,at sinabi mong patay si Sophia.Lahat tayo nasa labas."

"Then?"

"Iyon nga hindi ko alam kung sino kumuha."

"Papaano na iyong project?Sa laptop mo,nakasave ba doon iyon?" Tanong ni Joan,na mas lalong nagising dahil sa nalamang nawawala iyong script.

"Kasabay na pagkawala ng script, pati laptop ko naformat."

"Teka,papaano ka nakagawa ng script e,hindi natin alam yung meaning ng HELL?" Tanong muli ni Joan.

"Sa library ako nagpunta pagkatapos kong hanapin si Mhelvie.Tinext ko nga iyong librarian natin,na baka alam iyong meaning ng HELL,o baka kako may aklat,she replied pero 'wag mo nang subukang alamin' iyon ang reply niya,e dahil project natin iyon,"

"Naghanap akong mag-isa,hanggang sa napadpad ako sa mga lumang aklat.May nakita akong HELLIOTICS HISTORY,kaso walang sulat iyong libro,parang binura.Kaso nakalimutan yatang burahin yung nasa dulo, 'Hierarchy of Lifeless simply called as HELL' and it's all about death." Explain ni Mc.

"E,iyong flow ng story natatandaan mo ba?" Tanong ko.

"Nope." ANO DAW?

"Natanggap ko ng mas matalino ka kaysa sa akin,pero iyong script lang na iyon.Di mo matandaan." Sabi ko,habang napapakamot ng ulo.Ang dami ko ng iniisip,idagdag mo pa ito.

"Iyong aklat nasaan?" Tanong ko.

"Ginamit ko iyong na papel sa script,dahil kakaiba yung texture niya,sa kasamaang,iyong script na nawala,iyon yun." Napayuko na lang siya dahil kahit iba ang kumuha,siya pa rin ang may kasalanan dahil siya ang pinagkatiwalaan.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon