Chapter 32
* * * * * * * *Mc Rayson's POV
Iilan na lang kaming natitira, at wala ni isa sa amin ang nakaaalam kung paano tatakasan ang ganitong sitwasyon.
"KASALANAN MO LAHAT NG 'TO MC, KUNDI DAHIL SA KAPABAYAAN MO NA IWALA YUNG SCRIPT EDI SANA.... HINDI MANGYAYARI ITO!" Sigaw sa kaniya ni Kim, na ngayon ko lang narinig na sumigaw.
"MC IKAW ANG GUMAWA NG SCRIPT SIGURO ALAM MO ANG BUONG NILALAMAN NUN? NATATANDAAN MO BA? ILANG ARAW NA LANG ANG NATITIRA SA ATIN KAYA ALALAHANIN MO LAHAT, PAKIUSAP MC, HANGGA'T WALANG KUMIKILOS SATIN... LAHAT TAYO MAMAMATAY!"
Oo alam ko kasalanan ko naman talaga, at nagsinungaling ako sa kanila na hindi ko naaalala ang buong nilalaman ng script tungkol sa HELL.
Pero ang totoo niyan, lahat ng pangyayari ngayon ay nasa script na isinulat ko. At nilabag ko ang kauna-unahang utos bilang isang manunulat, ang 'plagiarism is a crime.' Dahil ang nakita kong mahiwagang aklat sa library noon ay siyang ginawa kong script, kaunting detalye lang ang iniba ko pero parehong pareho ang nilalaman ng mahiwagang libro sa script.
At mabilis ko ring nalaman ang kahulugan ng HELL, Hierarchy of Lifeless, ang pagkakasunod sunod ng mga walang buhay, at lahat ng iyon ay gawa ni Helliot A. At ngayon naman ang inaatupag ko ay ang alamin ang pinagmulan ng HELL, the HELLIOTICS history.
"Mc...."
"Mc.... Pakiusap"
"Alam kong marami kang alam, halata sa mga mata ko...."
"Kaya pakiusap, magtulungan tayo."
"Dalawampu't isa na lang tayong natitira, pakiusap Mc, tama na ang katahimikan, at pagbibingibingihan...."
"Ysa....." Wika ko ng makita kong namumula na ang mga mata niya, nagbabadiya na malapit na siyang umiyak. Sa pagpatak ng mga luha niya, sumasalamin ang mga pangyayari sa amin ngayon. Mga daing na hindi man lang nabigyan ng hustisya, mga dugong sumisirit na wala man lang patawad, at mga tangis, hagulgol na nais lamang ay bumalik na sa dati ang lahat.
"Magtulungan tayo..." Lahat sila napatingin sa akin, ang iba'y nagulat ngunit sabik na muling imulat ang mga mata sa normal na pamumuhay.
"Magtutulungan tayo....."
"Paano Mc? Kaunti na lamang tayo, saka ngayon niyo lang naisip yan.." Umiiyak na wika ni Joy.
"Kung kailan lagas na tayo, saka ngayon niyo lang naisipan na magtulungan, tinuring kapa namang matalino Mc, pero ngayon mo lang naisip yan. Anong klaseng suggestion ang magtulungan? Kung patay na ang pag asa ng lahat." Makahulugang wika ni Joan. Oo tama, pero hindi na ako kumibo alam kong hahaba pa. Para siyang si Brenda, hindi tumitigil ang bunganga't hanggang hindi nailalabas ang hinanaing.
Pero teka, hindi ko yata nakikita si Brenda?Tumingin ako sa gawi ni Junnel, mukhang malalim ang iniisip hanggang humarang si Ysa, magsimula na daw ako.
"Magsisimula tayong lahat sa basic. Tutal, nasa room naman tayo. May papel at ballpen."
"Kumuha kayo ng kaniya, kaniya. At lahat ng napapansin niyo na sa paligid ilagay niyo. At ang huli, ang pinaghihinalaan niyo na killer."
Kinuha ko ang box ng chalk, saka iyon tinaktak sa gilid para doon ilalagay lahat ng may sulat na papel.
"Lalagyanan ba ng pangalan?" Tanong ni Jeff.
"No, name it blank." Sagot ko.
Habang nagsusulat silang lahat, ramdam ko na hirap na hirap silang lahat. Dahil ako mismo, hirap din kung paano haharapin ang katotohanan.

BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mistero / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...