Chapter 22
* * * * * * * *Brenda's POV
"Sino si Helgad?" Sabay-sabay namin na tanong kay Shane.May dahilan ba yun sa pagkawala ni Patricia?
"Si Helgad siya yung-"
"Siya yung nabasa ko dati sa wattpad siya yung multo na bumibili ng mga kaluluwa." Napaangat naman ng todo ang kilay ko.
"Shane yung seryoso" wika ko.
"Joke lang naman masyado kasi kayong seryoso eh,saka malay natin kung patay o buhay si Patricia dahil hindi namin siya kasama." Wika ni Shane.
"May posibilidad ba na buhay si Patricia?" Tanong ko.
"Hindi namin alam Brenda, pero patay na siya kitang kita namin yun at nakita mo rin naman diba,nakita niyo yon?KAYA IMPOSIBLE!" Ani Jessa.
"Basta ang misyon mo hanapin mo yung libro,gawin mo ang lahat para matigil na ang mga kalokohan nila.Kasi hangga't nakikita't nakakausap mo kami may panganib."
"Balaan mo sila Brenda, huwag kang maduduwag at matatakot sa mga malalaman mo.Ang kailangan mo lang gawin hanapin ang libro,alamin kung ano nasa huling kabanata dahil hangga't walang naisusulat na katapusan patuloy lang ang pananalanta sa atin ng nakaraan."
"Nakaraan na nabuhay muli.Muling isusulat ang panibagong kabanata,maraming buhay ang mawawala,dahil ang tadhana ay patuloy pa rin niyang kinokontrol at dinidiktahan."
Anong meron kay Rose Ann at Sophia? Bakit ang dami bilang alam?
"Brenda may ipapakilala nga pala kami sayo." Wika ni Elaine
Halos mapatakip na ako ng mata dahil sa liwanag na nagmula kasabay ng pagbukas ng elevator."Anak...."
Dahan-dahan kong idinidilat ang mga mata ko,para ang sakit ng buong katawan ko.
Ang labo ng paningin ko."Buti na lang gising kana," Sabi ng isang tinig.
"Yung sa-salamin ko"
"Heto, suotin mo." Pagkasuot ko ng salamin agad kong nilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.
Masapot.Maalikabok.Pero kung titingnan mo lang ng hindi hinuhusgahan, malinis naman siya.
"Ok ka lang ba,anak,iha?" Huh?
Lumingon ako para tingnan kung sino ang nagsasalita."Mang Johnny?Ano pong ginagawa ko dito?" Umayos siya ng upo saka inabutan ako ng tubig na agad ko namang ininom.Para kasing pagod ako tapos nanunuyot ang lalamunan ko.
"Nakita kita sa loob ng elevator walang malay, maglilinis sana ako sa rooftop kaso nakita kita at saka may lagnat ka Iha." Umayos ako ng upo at oo nga ang bigat ng katawan ko.
"Y-Yung libro ko po?" Iyon agad ang una kong inalala imbis na ang sarili ko.
"Heto oh,saka iha kung 'di mo naman mamasamain ang tanong ko,bakit ka pala naroon?" Bigla namang napataas ang ulo ko.
"A-ano ho,ka-kasi ah,sumama po pakiramdam ko." Saka ako ngumiti. Hindi ko naman pwedeng sabihin na tinulak ko si Joan tapos may nakita't nakausap ko yung mga kaklase kong namatay.
Baka isipin ni Mang Johnny na nababaliw na ako.
"Ay ganun ba" saka siya tumango pero pakiramdam ko hindi siya nakuntento sa sagot ko.
Sabi ng mga kaklase ko nakakatakot daw siya pero hindi naman parang ang bait bait niya nga eh.
"Nagugutom ka ba Iha?Saka pasensya kana kung mainit hah,nasira kasi yung ceiling fan ko kaya pamaypay ang gamit ko ngayon."
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Misteri / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...