P i L O T C H A P T E R
* * * * * * * * *Joana's POV
"Ma'am is so tagal,look it's 1:30pm na,first subject na naman natin na laging postponed" reklamo ni Coline.
Here's our schedule;
•1:00 to 2:00 - English (M,T,W,Th) ICL (F)
•2:00 to 3:00 - Math (M,W,Th,F) Values (T)
•3:00 to 3:30 - Break Time (Always)
•3:30 to 5:00 - H.E.L.L (M.T,W,Th,F)
•5:00 to 6:00 - Science (M,W,F) Filipino (T,Th)
•6:00 to 7:00 - History (M,W) CHS (T,Th,F)
•7:00 to 8:00 - SPORTS (M,T,W,Th,F)Yeah,All of us,is in noon shifting.Swerte ng mga pang-umaga.Pero mas swerte kami,kaming Grade 10,dahil kami ang may dorm.Kung sino daw kasi yung last batch,sila na ang gagamit ng dorm.
Every saturday morning,ang uwi namin sa bahay.
Kapag naman M,T,W,Th, F Morning,pwedeng gumala,basta wag magpapalate pag may pasok na.
"Joana" tawag sa akin ni Darwin
"Hmmmmm?" Sabay tingin ko sa kanya.
"May assignment ka na ba sa Math?Division of Polynomial,activity 3?"
"Oo, meron" tipid kong sagot.
"Pakopya" aabot ko na sana yung notebook ko ng may magsalita sa likod ko.
"No,Darwin,Don't accept her notebook,malay mo mali yan,here's mine" maarte na sabi ni Roseann
Bigla akong naiinis ng sabihin na mali yung sagot ko,bakit nacheck na ba nya?teacher ba sya -_-.
"Wag na bro,eto notebook ko" singit ni Joel.
Bigla syang ngumiti sa akin at sinuklian ko yun.
Si Joel lang kasi yung lalaki na kaclose ko dito,saka di sya katulad ng ibang lalaki na kahit famous na,namamansin pa rin."Maria Clara" lumingon naman ako sa kaliwa ko.
Si Brenda,sya lang kasi tumatawag sa akin ng ganyan.Mahinhin daw kasi ako.
"Bakit Tasya?"
"Sabay tayong kumain mamaya." Saka sya ngumiti.
'Tasya'.Naman ang tawag ko sa kanya kasi mahilig sya sa mga pamahiin.Saka parang sya yung ate ng lahat,dahil sya lang yung pwede mong lapitan pag may problema ka,madiskarte saka matalino.
Sa katunayan silang dalawa ni Mc Rayson ang magkalaban sa pwesto ng Valedictorian. Samantalang ako TOP 3 lang.
Bigla namang lumakas ang hangin ng bumukas ang pinto ng room namin at pumasok si Ma'am Rosen.
Nalaglag yung krus sa may pinto namin.
Yung mga kurtina,nagsihawian.
At kaming lahat,nakatingin lang kay Ma'am.
"Bakit class?"
Walang nagtatangkang sumagot sa amin o magsalita man lang.
"Ah,nagets ko na kayo,may bagyo daw kaya pinatawag ako ng principal para ikansela yung pasok nyo ngayon."
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...