Chapter 6
* * * * * * *Elaine's POV
Katatapos lang namin na magmeeting about sa script na nawawala.Ang laking epekto nun para sa lahat.Pero laking ginhawa dahil walang gagawin masyado.Sa dorm lang kami,'di pwedeng umuwi sa bahay.
Hayahay!dahil ayokong ayoko na umuuwi ng bahay,tatalakan lang ako ni Nanay doon,idagdag mo pa iyong walang sawang pag-uutos.
"Elaine,punta tayo sa cafeteria" Aya nila Ate Mary at Lei Ann.
"Mauna na kayo,pupunta lang ako ng dorm,lowbat ako eh." Sabi ko sa kanila.
"Sige,hintayin ka namin doon." Sabi nila saka ngumiti ng matipid.
Mamayang 3pm lalabas kami ng university,para kila Rose Ann,at Sophia.Iisang chapel lang naman daw iyon.Lahat naman sasama.
Habang naglalakad ako,papunta ng dorm namin sa may Blue Hellions building. Ang tahimik lang,dahil ako nga lang ang mag-isang naglalakad.
Medyo natatakot ako dahil nga sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kaibigan ko.Sana wala ng sumunod.Nagdecide ako na gumamit na ng elevator papuntang 4th Floor.
Tanga ba ako kung aakyat pa ako ng hagdan.Ilang ikot din iyon.Edi mag-elevator kana.Habang nasa elevator ako,parang ang lamig.Nagulat ako ng biglang mag-alarm ang phone ko,patay na ito, sana tinanggal ko na iyong alarm,nag-aalarm lang naman ako dahil kay Sophia,tanghali kasi kung gumising iyon.Pero ngayong wala na siya,tinanggal ko na,bahagi na rin ng pagmomove on ko.
Pero bakit siya nag-alarm?
*Tingg* Bumukas na iyong elevator,pero laking gulat ko ng may sumalubong sa akin.
Si Sophia,punong-puno siya ng dugo.Kinikilabutan lang ako,pero hindi ako natatakot kaibigan ko siya eh.Kung ituring pa niya ako,parang isang tunay na kapatid, nakababatang kapatid.
Nakatitig lang siya sa akin na parang awang-awa.
"So--sophia" mabulolbulol kong sambit sa pangalan niya.
Nasa may labas pa rin ako ng elevator at siya nasa harapan ko.Nakatitig lang,pero maya-maya,nawala lahat ng dugo sa katawan niya.Naging kulay puti na ang suot niya.
"Bumalik ka sa baba." Sabi niya.
"Huh?"
Nag-alarm na naman ang phone ko.Kaya pinatay ko ito muli.
Pero hayan na naman,nag-aalarm na naman siya.Papatayin ko dapat siya ng magulat ako ng mamatay ng kusa iyong alarm.Lumapit si Sophia sa akin,ng nakatitig lang.Hinawakan niya iyong phone ko,nagulat ako ng umilaw ang phone ko.At kusang nagkakarga.Maya-maya lang nag-100% na siya.Tumingin ako kay Sophia na naguguluhan.
"Wag ka ng magcharge,ok na siya.Bumalik kana sa baba.Hinihintay kana nila doon." Saka siya kusang naglaho,kinusot ko iyong mata ko,baka kasi namamalikmata lang ako.Pero totoo nga,may karga na ang phone ko.
Ganoon ba kapag patay kana,kargado ka ng kuryente?I mean,electricity.Masyado tuloy akong napapaisip,kahit naman full charge na ako,maya-maya lang lowbat na ako.Kapapanood ng Doll House,iyong patayan.
Ang ganda kasi.Kaya kukunin ko na rin iyong charger ko,masulit-sulit man lang iyong pagpunta ko dito.Tumuloy pa rin ako sa dorm namin,pero hindi mawala sa isip ko iyong sinabi ni Sophia na 'wag daw akong tumuloy'.
Malapit na ako sa dorm namin ng may marinig akong maingay.
Pero alam ko kung saan nanggagaling sa dorm namin.Di kaya may kababalaghan na nagaganap doon,dahil kinain na ako ng pagkamausisa ko,pumunta ako sa tapat ng pinto namin.Pinihit ko siya pero sarado.Aba't mukhang nag-eenjoy pa yata si Coline sa loob.
Oo si Coline, grabe kasi iyong daing o ungol niya.
Akala ko ba,masama pakiramdam niya,bakit nandito siya?Sino kaya kasama niya?
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...