Chapter 14
* * * * * * * *Brenda's POV
Agad agad kaming lumapit ni Joan kay Junnel na nanginginig sa takot.
"Junnel bakit?"
"Yung matanda nakakatakot talaga siya Brenda,umalis na tayo dito.AYOKO DITO!" Parang siyang bata na nagmamaktol masunod lang ang gusto.
"Hindi tayo pwedeng umalis Junnel, nandito na tayo saka sino ba yung matanda na sinasabi mo?Nasaan siya?" Tanong ko.
"HOY,ANO BA?LALAKAD BA TAYO O LALAKAD?" Tanong ng GGSS.
"Kung gusto niyo mauna na kayo," Sabi ni Joan
"Eh hindi namin alam 'to,dayo lang kami." Sagot ni Joel.
"AYUN NAMAN PALA EH,EDI MAGHINTAY KAYO!" Galit na sambit ni Joan sa kanila.
"Punta na lang tayo sa lola ko,malapit lang dito 'iyon," Sabi ni Joan saka tumingin sa iba naming kaklase.Bigla namang kumunot ang noo ko,pero kalaunan naalala ko rin na may lola pa nga siya.
"May lola ka?" Tanong ni Al.
"Obvious ba?Kakasabi lang diba?" Pamimilosopo ni Trixie kay Al.
"Manahimik ka Trixie,di ikaw ang kinakausap ko." Sagot ni Al.
"Uso kasi makinig, hindi iyong bingi." Sagot muli ni Trixie.
"Alam niyo pansin ko sa mga kaklase nating mga nerds, hindi talaga tahimik eh.May salamin at libro lang,pero hindi nerd,great pretender." Bigla kong sinamahan ng tingin si Al.Ganoon rin naman ang ginawa nila Cath,Danica,Robie,Trixie at lalo na si Joan.
Kaya naman walang nagawa si Al kundi umatras habang nakataas ang mga kamay na parang sunusuko."Ohw,sorry for the words" si Al.
Lumakad na kami papunta sa bahay nila Joan.
"Joan wag kang magsusumbong sa lola mo lagot tayo,protocol #3,walang tulog, walang gising at walang magsusumbong." Paalala ko sa kaniya, tumingin siya sa akin saka ngumiti.
Pyesta dito,maraming tao sa kalsada,mga lasing,at higit sa lahat dayo kami.
Kaya para kaming sardinas sa daan na nagsisiksikan ngayon.Wala eh,mga takot dahil kabilaan may lasing. At ang tingin sa amin, parang in-scan ang buong pagkatao.
"Lesson learn Angeleen,wag kang magsusuot ng ganiyang damit. Kung kami halos pasukin na pagkatao namin eh,ikaw hinuhubaran kana nila." Sabi ni Jaquie.
"Matangkad ka kasi" sabi ni Angeleen.
"Ano konek?"
"Nakakatakot kaya pag matangkad ang babae" asar ni Angeleen na nakagitgit kay Jessa at Jaquie.
"Dyosa naman" sagot ni Jaquie.
...
"La,mano po" Nandito na kami sa bahay nila Joan,simple lang bahay nila may kahoy at may pagkabato rin naman.
Lahat kami nagmano,at binati ito ng happy fiesta.Pero nagulat ako,wala si Junnel sa tabi namin.Tumingin ako sa likod naming lahat, naroon siya sa parang gate ba yun.
"Junnel anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong ni Joan.
"Siya yun,siya yun!" Nanginginig ulit na sabi ni Junnel.
"LOKA!LOLA KO 'YAN,mukha lang." Gusto kong matawa ng biglang humina ang boses ni Joan pagdating sa huli niyang sinabi.Tiningnan ko iyong matanda from head to toe.
Nakabelo siya itim na itim,nangingitim ang ilalim ng mga mata,at kulubot na ang mga balat,lawlaw na nga eh.Pero parang sobrang tanda na niya.Ilang taon na kaya siya?
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...