Chapter 21
* * * * * * * *(Continuation of Brenda's Point Of View)
"Ibigsabihin ba na hindi pa tapos ang aklat ni Helliot, at ibigsabihin din na dapat malagyan ito ng wakas." Pag-uusisa ko.
Tumango sila bago muling magsalita.
"Oo,Brenda.Hindi pa kami tapos kaya makinig ka muna at wag ka munang magtatanong.Bibigyan ka lang namin ng pagkakataong magsalita,patapusin mo muna kami.Dahil may oras lang ito," Sambit ni Fhaye na may pagkamasungit, kahit mga patay na sila ganoon pa rin ang ugali.
"Fhaye,umayos ka nga.Patay na nga tayo,gumaganiyan ka pa." Saway ni Rose Merrie
"Tama yung sinabi ni Fhaye, wala pa itong ending. At hindi namin alam kung sino ang magsusulat ng wakas. Ang tanging nakakaalam lang ay ang aklat, nasa huling pahina nito." Wika ni Rose Merrie.
"Kung tatanungin mo kung nasaan ang aklat,iyon ay kung sino ang kumuha ng script kay Mc.Kaya Brenda,kung ayaw niyong matapos ang lahat ng ganto ganto lang,kailangan mo ang aklat.Naroon ang buong detalye." Paliwanag din ni Al Cedric.
Nandito si Al,pero nasaan si Patricia?Bakit ngayon ko lang napansin na kulang pala sila?
Nagtatanong pa lang ang isip ko pero parang nabasa na ni Rose Ann ang laman nito at siya namang sumagot.
"Oo Brenda, kulang kami dahil wala si Patricia.At hindi namin alam kung nasaan na siya ngayon,inabot na niya ang kamay ni Al kanina para sumama kaso pagkaabot nito biglang bumitaw si Patricia,nawala na lang siya na parang bula." Paliwanag ni Rose Ann na halata ang pagtataka sa mukha.
"Patay na naman siya kaya 'di niyo na kailangang mag-alala baka naging galang multo lang si Patricia." Kahit kailan talaga Fhaye ganiyan ka pa rin.
"Nakoooo!Fhaye,manahimik ka kung di lang kita bestfriend slash pinsan kanina ko pa dinukot yang dila.Kaso namatay ka nga pala dahil sa pagsabog." Wika ni Rose Merrie kay Fhaye.
"Manahimik na nga kayo.So Rose Ann,my loves!magsalita kana ulet!" Malambing na wika ni Jaeben saka tumingin kay Rose Ann.
Sila ba?
"Wag ka ngang ano!Brenda,hindi kami ni Jaeben wag kang maniwala diyan MALANDING MULTO 'yan,saka kahit patay na ako.Isa lang ang laman ng puso ko,at kahit namatay ako dahil sa kaniya...dahil sa pagmamahal ko sa kaniya na nauwi lang sa katangahan patungong kamatayan...wala pa ring akong dahilan para palitan ang isang 'Darwin' sa puso ko." Parang maiiyak si Rose Ann,pero pinipigilan lang niya.
"Outtchhh!Rose Ann,ang sakit naman nun.Para akong NILASON NG KASINUNGALINGAN DAHIL SA SINABI MO!" Umarte pa si Jaeben na kunwari kinakapos ng hininga.
"UGOK!Nalason ka naman talaga,para kang sira diyan Jaeben kaya manahimik kana muna.Nauubos ang oras natin." Saway ni Joel.
"Bumalik tayo kay Patricia,hindi pwedeng mabuhay yun dahil patay na siya,pera na lang kung...." Si Shane
"Kung?" In unison na tanong namin.
"Kung binenta niya ang kaluluwa niya kay Helgad."
"HELGAD?Sino si Helgad?" Tanong ko.
Kim's POV
"Anong oras na wala pa rin sila?" Bulong ko saka tumingin sa orasan ko.
Mag-dadalawang oras na pero wala pa rin si Dan at CJ.Napano na ba yung dalawa na yun?
Iba na kutob ko,parang may nangyari na namang kakaiba."Kim bakit parang balisa ka?" Tanong ni Ysa.
"Ah-wala lang.Don't mind me." Sagot ko saka ngumiti ng matipid.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...