Chapter 11

81 5 3
                                    

Chapter 11
* * * * * * * *

Genesis's POV

  Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari ngayon.Parang marami silang alam na hindi ko alam.

Parang ang dami nilang sikreto.Transfer lang kasi ako dito noong grade 8 kami,akala ko noong nakilala ko sila ,iyon na talaga.Pero hindi,iba ang sinasabi ng puso ko sa isip ko.

"G-Genesis,patay na daw si  Eugene" Malungkot na sambit ni Dan.Bigla akong natulala,dahil ng sabihin pa lang kanina na nawawala si Eugene, hindi ko inisip na patay na siya.Pero ngayon,parang hindi ko matanggap dahil sa lahat ng lalaki siya ang close ko.

"Di ko in-expect na may mamamatay na lalaki sa atin ngayon" biglang singit ni Al.

"Siguro dahil masyado tayong kampante,dahil babae ang sunod-sunod na namamatay noon,pero ngayong may lalaki na,baka sunod-sunurin na rin niya tayo" sambit ulit ni Dan

"Niya?Bakit isa lang ba ang gumagawa ng patayan na ito?" Gulong tanong ni Al.

"Malay natin,pwedeng mag-isa lang,pwede ring may kasabwat,pero ang dapat alerto lang tayo" Sabi ni Dan habang nakatutok ang mata sa pinto ng classroom namin.

Tatlo lang kami dito sa room,ayokong pumunta sa likod ng building ng lumang office.At sila Dan at Al rin naman ayaw nila.Baka daw kasi di nila kayanin lalo na't kapwa lalaki namin ang namatay.

Sinusubukan kong pagdugtong-dugtongin ang mga pangyayari ngayon.Pero ang gulo ng isip ko,kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.Hanggang sa may pumasok bigla sa isip ko.

"Dan,diba may CCTV sa building natin?" Tanong ko na ikinagulat niya.

"Oo nga no!" Biglang sabi ni Al.

"Malay mo,nakuhanan lahat ng ang mga pangyayari doon.Baka makilala natin kung sino ang killer." Sabi ko,itunuon ko muna ang pag-iisip about sa CCTV.

Pasensya na Eugene,pero maiintindihan mo rin ako.

"Saan ba nakalagay ang TV ?Ibigsabihin iyong TV ng CC,CCTV" Magulo kong tanong.Oo magulo naman talaga.

"Sa may AVR" napatayo si Dan ng sabihin niya iyon,naalala niya siguro.

"Tara na,pero teka!" Si Al
Aalis na dapat kami kaso napahinto kami dahil sa pag-TEKA niya.

"Bakit Al?" Tanong ko.

"Dapat tayong tatlo lang ang makakaalam nito.Maliwanag?" Tumango ako,kami ni Dan.

Saka lumabas na kami ng room.

Brenda's POV

  Nakita ko na naman ang isang puting punit na papel sa bangkay ni Eugene na nilalangaw.
Pagkatapos kong kunin iyon,nilagay ko agad sa bulsa ko iyon.

"Brenda,umalis ka diyan!" Sigaw sa akin ni Junnel.
Sinunod ko si Junnel, pero ng umalis ako.Bigla siyang sumigaw.

"YAAAAAKKKKKKKKK!!!!" Napasapo na lang kami sa ulo ni Joan ng sumigaw si Junnel ng ganun.Juiceko!Bumalik na naman siya sa dati.

"Sh.t!Sh.t!Sh.t!Takpan mo iyan Brenda!Ikaw lang naman matibay ang sikmura dito." Sabi ni Joan.

Lalapit na dapat ulit ako,ng may pumigil sa akin.

"Wag na Brenda, ako na lang" si Lerry,kinuha niya iyong dahon ng saging,saka itinakip sa baba ni Eugene. Dahil sa sobrang nakakadiri na inabot nito.Pinutol kasi iyong ari niya at putol rin ang bewang ni Eugene.May kahoy pa nakatusok sa noo
At kutsilyo naman sa dalawang binti.

"Tawagin niyo si----" naputol ako sa pagsasalita ng unahan ako ni Lerry sa pagsasalita.

"Bawal ang koneksiyon diba?Kaya bawal tayong humingi ng tulong sa kahit na sino kahit kay Daddy" Tukoy niya kay Insp.Munsayac.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon