Chapter 16
* * * * * * * *Ysa's POV
"Kumpleto na ba?" Tanong ko sa kanilang lahat.Tumingin ako sa mga upuan,maraming bakante o marami lang talagang 'wala na'.
"Kumpleto na tayo Ysa,'di lang talaga halata," sagot ni Peter.
Tumango ako sa kanila at ngumiti ng mapait,bago umupo sa tabi ni Darwin.
"Ok ka lang?" Pero imbis na sumagot ako,tumango lang ako.
Nakapanlulumo dahil ako ang presidente ng classroom namin,iniluklok nila dahil lahat sila may tiwala sa akin,pero anong nangyari,ako pa yata ang walang magawa, ako pa yata ang naduduwag.
"Tama na,wag munang isipin 'yon wag mong sisihin ang sarili mo,'di mo kasalanan lahat naman tayo 'di natin inaakalang mangyayari 'to." Saka sinandal ni Darwin ang ulo ko sa balikat niya. Pag nasa tabi ko siya,I feel safe para bang nasa isang lugar ka na wala kana lang iisipin kundi ang mga kakainin niyo at matutulugan.
"Sige na,sige na,aalis na tayo" sabi ni Al sa lahat.Inaasahan ko na may sasagot at mag-iingay pero lahat kami tahimik.
"Iglip ka muna,gisingin na lang kita pa malapit na tayo." Sabi niya.
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng makarinig ako ng tunog mula sa phone ko na hawak ni Darwin.
"Love," Hayan na naman siya.
Inangat ko ang ulo ko.Pagkakita ko sa phone ko,halos maluha na ako.Hindi ko alam kung ano ang irereact ko,kung magagalit ba.Pero oo,mas nangingibabaw ang galit sa puso ko ng makita ko ang mga post sa news feed ko.Lalo na ang caption na ginamit nila at mga litrato na bumasag sa mga ambisyon ko.
"Apat na hakbang para makamit ang pinapangarap,ngayon tayo'y nasa harap na ng entablado tayo na ang tinitingala ng nasa baba,tayo'y maghihiwa-hiwalay na,at susuong na sa panibagong hamon ng buhay kasama ang diploma na bunga ng paghihirap.Moving Up :) (insert emoji happy,blessed) #SUBatch16y17 "
Bigla na lang pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Pasan ko na yata ang mundo,ang bigat sobrang bigat.
"Ysa...." Rinig ko na tinawag ako ni Cath dahil nasa gilid lang din sila,magkakatapat kami ng mga upuan.
"So-Sorry Guys" saka ako humikbi.
"Ano nangyari Cath?" Si Robi.
Inabot sa kanila ni Darwin ang phone ko at pinagpasapasahan iyon hanggang sa makita ng lahat.
"T*NGNA!NAMAN OH,BAKIT GANUN SILA?" Mura ni Michael.
"T*NGNA DIN!SILA LANG BA NAGHIRAP,ABA TAYO DIN DI NA SILA NAAWA,BWISET!ANG MASAKLAP LANG,BAKIT NANDOON SI MA'AM ROSEN?" Si Peter na halos sabunutan na ang sarili.
"Hindi seminar ang ipinunta ni Ma'am sa Palawan at sa-saan ba yun?Ay! ewan ko na,basta siya ang umasikaso ng moving up at recollection ng ibang sections." Si Ate Joy.
"BAKIT GANUN YSA?ALAM BA NILA NA HINDI TAYO MAKAKAGRADUATE?" Sigaw ni Junnel mula sa likod.
Tumayo ako,at kahit na hinawakan ni Darwin ang kamay ko para pigilan ako,tumuloy pa rin ako.
'Dahil lahat sila pananagutan ko'.
"Oh,Ysa bakit ka nandyan?" Si Al.
"Pakinggan mo na lang ako," sabi ko.
"Humawak ka diyan, baka ma-out of balance ka,lalo na kapag pumreno" paalala niya kaya humawak ako sa upuan na nasa harap.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...