Chapter 12

99 7 8
                                    

Chapter 12
* * * * * * * *

Joy's POV

"Lahat naman ng pag-iintindi ginawa ko na,pero ok lang Joy,mahal naman kita kaya lahat gagawin ko para sayo.Kaso baliktad nga lang tayo ng sitwasyon,'di mo ko mahal,at lahat ng ginagawa mo para sayo lahat.Pero lagi mong tatandaan,mahal kita Joy, kaya maghihintay ako."

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig ng tanggalin niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at lumakad palayo.

Naiwan akong nakatulala, at hindi ko maisip na nasaktan ko naman siya muli.

I'm sorry Jeff,kung alam mo lang talaga.

"Huy!Joy, bakit ka nakatulala sa basurahan?" Si Rio at Pat.

Ngumiti lang ako,bago magsalita at umupo sa tabi nila.

"Wala,ang ganda kasi ng basurahan" sabi ko.Nagtaka naman sila pero naniwala rin sila.

"Guys may announcement,makinig kayo" sabi ni Darwin na tumuntong pa sa upuan para lang makita niya kaming lahat.

"ANO YUN DARWIN?" Si Shane.

Napangalumbaba na lang ako habang nakatingin kay Darwin.

"Patay na si Mang Alonzo," may pagkaseryoso na sabi ni Darwin.

"At katulad ng mga nangyayari sa atin,sa mga kaklase natin,pinatay siya ng brutal tanggal daw ang dila at halos dukutin na ang baga nito sa lalim ng sugat." Paliwanag naman ni Jerome.

"NAKAKADIRI NAMAN!Eww!" Maarte na sabi ni Marcie, tapos tumingin pa siya sa tagiliran niya kung saan naroon si Marione.Hanggang ngayon ba naman nakukuha pa nilang mag-away.Past is past na pero parang hindi nila mapatawad si Marione dahil sa sikretong binulgar Ni Junnel.Tumayo ako at lumapit kay Marione,hinila ko siya papunta sa upuan namin.

"Jo-Joy" Pinaupo ko siya at nagtaka naman si Rio at Patricia.
Kahit na alam kong nakatingin lang sa akin si Jeff ngayon,nagpapanggap ako na hindi ko napapansin pero ang totoo pansin na pansin ko.

"Bakit mo dinala rito yan hah Joy?" Tumingin ako kay Rio at Patricia.

"Hindi ko kayang makita na may  pinandidirihan sila na para bang may nakakahawang sakit.Para bang ang linis nila,kahit hindi naman." Madiin kong sabi na narinig ng mga Queen Bees,at sinadya ko iyon.

Inaamin ko,naiinis ako sa grupo na kinabibilangan ni Marione, pero sa kalagayan niya na ito, naaawa ako sa kaniya.

"Jo-Joy,pasensya na naabala pa kita, dapat hindi mo na ako hinila doon papansinin rin naman nila ako." Aniya.

Ayoko sa lahat ang taong nagpipigil ng iyak,ayoko ng may nasasaktan pero kahit ako nakapanakit na din.Ang galing diba,ayaw ko pero nagawa ko naman,sh.t this life.

Napailing na lang ako,at sinubsob ko ang ulo ni Marione sa balikat ko.

"Iyak" Sabi ko sa kaniya.Nung una,umiiling pa siya pero ngayon naririnig ko na ang mga hikbi at pagsinghot niya.

"Ang drama naman" Narinig kong sambit ni Pat.Pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Bakit ganun,iniiwasan agad nila ako ng hindi nila pinariringgan ang explanation ko,lagi na lang nila akong pinangungunahan.Nakakainis sila Joy,lahat naman ginawa ko para sa kanila.Lahat ng gusto nila kahit mali ginawa ko wag lang silang lumayo sa akin,kasi ang hirap mag-isa,ang hirap mawalan ng kasama sa buhay.They left me nothing, because I gave everything to them.Pero ngayong kailangan ko sila,itinakwil agad nila ako." Hinagod ko lang ng hinagod ang likod ni Marione.

Kung titingnan mo kasi siya ang saya niya sa piling ng mga kaibigan niya,pero ngayon ramdam ko siya,ramdam ko ang paghihirap niya.

Lalo na ng sinabi niya na 'lahat ng gusto nila,kahit mali ginawa ko',parang sobrang malaman ng sabihin niya iyon.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon