Chapter 15
* * * * * * * *Joana's POV
Bakit ganun si Brenda ngayon, sa tuwing ngingitian ko siya o tinitingnan umiiwas kaagad siya.
Tulad na lang ngayon.
"Ate,nasaan po ba iyong anak niyo?" May halong pag-aalala na tanong ni Brenda.
"Joan,Brenda,Junnel, tingnan niyo 'yon" itinuro ni Lerry sa amin ang Ferris wheel.Halos maiyak na lang ako ng makita ko ang tatlo naming mga kaklase na nagsisisigaw,hanggang sa mapunta ang atensyon ko kay Joel na yakap ang batang babae.
Sunod-sunod na mura naman ang narinig ko kay Lerry.
"ANAKKKK KOOOO!" Inalog ng inalog ng matandang babae si Brenda na nakatulala pa rin sa ferris wheel,na patuloy lang na nagkakalasan ang mga piyesa nito.
Nakisiksik ako sa harap para makita kung may nagcocontrol ba ng Ferris wheel pero wala.Pinagmasdan ko ang makina,putol ang pinakakadena nito kaya halos hindi na ito Kaya pang kontrolin.
"Joan, halika dito nandyan na ang mga pulis at mga ambulansya" si Lerry.
"Si Brenda?" Tanong ko.
Agad niyang itinuro si Brenda na nakatayo pa rin at halos wala ito sa sarili na nakatingin lang sa matandang babae na halos maglumpasay na sa kakaiyak.
Agad naman akong nataranta ng makita ko ang pagpatak ng luha niya.
"Sh.t,JUNNEL SI BRENDA!" Sigaw ko habang tumatakbo,pero laking pasasalamat ko ng masapo ni Junnel si Brenda,wala na naman siya sa sarili.
"DALIN NIYO SI BRENDA SA BUS,NANDYAN LANG DINALA KO SA MALAPIT" Sigaw ni Darwin at tumakbo kasama ang GGSS.
"Ano bang nangyayari kay Brenda,bakit sa tuwing makakakita siya ng mga ganiyan,nawawala siya sa sarili niya, hindi siya ganiyan dati Joan!" Usisa ni Lerry habang nakatingin sa akin ng diretso,pero hindi ko siya pinansin.
"May mga bagay na hindi mo na dapat inaalam pa Lerry" saka kami lumakad na papuntang bus.
6:55pm na,bakit ang bilis? Hindi ko man lang na-enjoy ang pagbabalik ko dito sa lugar namin.
"Joan," lumingon ako sa likod ko,si Al.
"Tulungan na kita kay Brenda,"
"Buti naman may tumulong,malapit na malagersh ang balikat ko sa sobrang bigat ni A--Brenda" Tumingin ako kay Junnel at iniwas niya ang tingin niya.
"Ako na Joan,kaya ko na si Brenda" kinuha ni Al sa amin si Brenda saka pinasan niya ito.
.....
Halos ilang minuto rin kaming naglakad papunta ng bus.Agad naman na nilagay na ni Al si Brenda sa likod, kung saan maluwag at pwede siyang maihiga.
Papalayo na si Al ng tawagin ko siya,at kaagad naman siyang lumingon.
"Salamat," Sabi ko.
"Wag kang magpasalamat,ginagawa ko iyon para sa lahat, hindi para sayo." Napanganga na lang ako habang siya papalayo at papalabas ng bus.
"Sakit ba girl?" Sinamaan ko ng tingin si Junnel,bwiset wala naman akong sinabi na para sa akin iyon ha.Hindi ko nga maibuka bibig ko pag andyan siya,tapos mag-iisip siya ng ganun JUSKOO! ANG HANGIN NIYA TALAGA,BAGAY NA BAGAY SIYA MAGING JOURNALIST,KASING KAPAL NIYA 'YUNG MGA DYARYO NA GINAGAWA NILA NI PATRICIA.
"Tama na girl,kawawa naman si Papa Al,tadtad na tadtad na sa isip mo iyon.May natutunan ka naman ok na 'yon." Saka siya kumindat.
Sinandal ko na lang ulo ko sa bintana.Hanggang sa mapatingin ako sa orasan.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...