Chapter 31

78 8 6
                                    

Dedicated this part to Apolinariaaa (loyal reader)

Chapter 31
* * * * * * * *

Marcie's POV

   Ang mawalan ng kaibigan na katumbas kapatid ay parang laro na wala ka man lang kalaban laban, ni hindi ka man lang nakapuntos, ni hindi ka man lang nakagawa ng paraan para ipaglaban siya. Anong sakit na hanggang ngayon siya pa rin ang nakikita ko, kahit saan ko ibaling ang paningin ko siya at siya pa rin.

"Marcie?"

"Marcie?"

"Marione pakiusap give me some space."

"Per—"

"ANG SABI KO LAYUAN MO MUNA AKO!" Sinigawan ko siya ng hindi man lang tinitingnan.

"Marcie dap—"

"ANO BA! ANG SABI KO LUMAYO KA MUNA!" Sa pagkakataong ito tumayo na ako, at akma siyang sasampalin ng marealize ko kung sino yung nasa harapan ko.

"Te Mary?"

"Oo Marcie ako to? Sasampalin mo ba ko? Sige ituloy mo lang. Ang hirap kase sayo, lagi mo na lang inuuna yung pride mo, subukan mong makinig paminsan minsan. Hindi sa lahat ng pagkakataon tama ka, at yung
pride mo hindi sa pang aaraw yan Marcie."

"A-te Mary.." Nabigla lang ako.

"At-e Mary" Tumulo na ang mga luha ko. Ang hirap. Ang hirap ng ganto. Kahit anong kubli mo na malakas ka, lilitaw at lilitaw pa rin ang tunay na ikaw. Yung mahinang ikaw.

"Wag mo kong iiyakan Marcie, pakinggan mo ko mabuti."

Biglang nanahimik ang lahat na para bang kaming dalawa ni Ate Mary ang nandito. Bumabagal ang ikot ng paligid sa sandaling kainin ng sistema ko ang sinabi ni Marione.

"Na-nawawala si Justine..."

Para akong binuhusan ng bloke blokeng yelo sa sinabi ni Mary. Ang sama kong kaibigan, dapat di ko pinairal yung pride ko. Ang sama sama ko.

"Ju-Justine..." Kusa ng lumakad ang mga paa ko para hanapin si Justine. Tama na. Ayokong ng mawalan pa ng kaibigan.

"JUSTINE! JUSTINE NASAAN KA?"

"JUSTINE!"

"JUSTINE!"

"WAG KA NAMANG MAGBIRO NG GANIYAN!"

"JUSTINE!"

Sa pagsigaw at pagtakbo ko, tanging kakaibang lamig lang ng hangin ang nakakasalubong ko.

"JUSTINE!"

"JUSTINE!"

Pumunta ako sa cubicle ng mga babae agad ko siyang hinanap sa bawat pinto nito, pero sa tuwing bubuksan ko ang mga ito, pabagsak lang ng pabagsak ang mga luha ko.

"J-Justine...."

"Nasaan kana?..."

Sa huling pintong binuksan ko, halos tangayin ang buhok ko sa lakas ng hangin na sumalubong sa akin.

"Marcie.....Tulong..."

That voice. That whisper.

"JUSTINE! HINTAYIN MO KO, TUTULUNGAN KITA!"  Lalabas na dapat ako ng makita ko ang napakaraming buhok sa may ibabaw ng gripo.

Hindi kay Justine ang buhok na'to.

Hindi.

Dahil hindi purong itim ang buhok niya, kundi brown.

Last Project In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon