Chapter 17
* * * * * * * *Arjhay's POV
"Tara na Dan,guys,baka hinihintay na tayo ni Al.Saka tayo na lang yung nasa labas, baka makita pa tayo ng killer dito."
"Sige tara!" Agad naman na kaming naglakad na papuntang dorm.
"Bilisan niyo nga maglakad, hinihintay na tayo ni Al.Baka mamaya,magpakamatay na yun sa lungkot." Biro ni CJ
"Sira, bilisan niyo na baka mamaya makasalubong pa natin yung killer dito,ipapauna ko talaga si CJ!" Biro na may pagkaseryoso na sabi ni Dan.
"Saka tingnan niyo,magaalas-dyis na,nandito pa din tayo. Sobra-sobra na yung paglabag natin sa rules ng lintik na killer na yun!" Si Jeff
"Baka mamaya kung makita man tayo ng killer, madamay tayong lahat. Baka hindi lang si CJ,kundi tayong lahat!" Dagdag pa ni Jeff.
Tama sila,pero bakit parang kinakabahan na agad ako,pakiramdam ko may mangyayari na hindi maganda.
Lalo na't tahimik ang paligid, madilim at nakakatakot.
"Oh?Lei Ann,ikaw pala 'yan,saan ka galing?" May tuwalya pa siya sa ulo na halatang bagong ligo.
"Galing ako sa dorm nila Danica,nakiligo ginagamit kasi nila Joan ang banyo." Sagot niya,saka nagkukusot ng mata.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Ang tapang kasi ng shampoo ni Ate Mary na ginamit ko,medyo nahilam pa ako." Saka nagkusot muli siya ng mata.
"Sige na,Lei Ann,mauna na kami.Pupuntahan pa namin si Al,goodnight na lang." Sabi ko saka ngumiti, at ngumiti din siya sa akin,I mean sa aming lahat."
"Sige" saka kami naglakad muli.
"Yieeee! Arjhay,iba yung ngiti ng nakita si Lei Ann,crush mo no?" Asar ni Jeff.
"Hindi no!" Mabilis kong sagot.
"Nako Jeff,LQ lang kayo ni Joy kaya ka ganiyan ee." Asar sa kaniya ni CJ,ang bilis diba?si Jeff na ngayon ang topic.
"Anong LQ?Wala ngang kami,tapos LQ." Ramdam ko na medyo nalungkot siya ng banggitin niya ang 'wala ngang kami'.
"Yun lang!" Sabay-sabay na sabi naming lahat.
Malapit na kami sa dorm namin ng mapansin naming lahat na,nakaawang ang pinto lalo na't sobrang dilim sa labas.
"Bakit bukas?" Si Jeff.
Agad namang tumakbo si Dan papuntang dorm,at kami rin napatakbo.
Pagtapat namin sa pinto, amoy alak.Uminom ba si Al?
"Si Al?" Tanong ni Dan.
"AL CEDRIC!" Sigaw ni Jeff.
Lumakad naman si CJ,papuntang kusina pero napahinto siya sa kama ni Al.
"SH.T! AL!" Mura niya habang nakatingin sa baba.
Lumapit naman kami at nakita namin si Al na nakasubsob sa mga basag na baso, may posas ang kamay at naliligo sa sarili niyang dugo dahil sa saksak na natamo.Lamog din ang mukha nito na parang walang tigil na pinagsasapak.
"BWISET!SABI NA EH!" Si Dan na halos bumigay na ang mesa sa lakas ng hampas niya.
"DAPAT PINUNTAHAN NATIN SIYA DITO, DAPAT HINDI NATIN SIYA HINAYAAN NA MAG-ISA DITO!" Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Dan.
Nasaktan din ako,ng makita ko siyang umiiyak. Oo lalaki kami,hindi man kami palaging. lumuluha sa tuwing nababasted,o nawawalan, kapag tumulo ang mga luha namin,totoo yun may sinseridad,kundi nasasaktan o kaya masaya.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...