Tap ⭐ to vote please :)
A/N: Bago niyo i-scroll pababa, pasensya na agad pero wala akong masyadong alam sa larong basketball 🏀, kaya lahat ng mababasa niyo ay iyon lang ang nalalaman ko. Lamnathiss 😂!
Chapter 29
* * * * * * * *UMAGANG kay ganda, yan dapat nasa isipan nila ngayong maaga silang nagising. Alas kwatro pa lang ng umaga ay mulat na ang kanilang mga mata, naglalakad ng pupungas pungas, yaong laging may kasamang mga anghel dahil sa katahimikan na hindi mabasag basag.
Marami sa kanilang nakayuko sa ibabaw ng mesa sa cafeteria, nais pang matulog ng iba pero dahil bawal na, wala silang magawa. Nakatunganga na naghihintay sa wala.
Naghihintay na kausapin sila ng kanilang mga mahal pero dahil sa isang utos mula sa may hawak ng kanilang mga buhay, na bawal ang kahit anong relasyon sila'y walang magawa sumunod na lamang. Naghihintay na balang araw humupa ang kasawian, ang pagbaha ng dugo at naghihintay na mapasakamay ang hustisya.
Lalo na ang kanilang mga tiyan na simula pa kagabi ay wala pang laman. Tanging paulit-ulit na paglagok lang ng tubig ang magawa mapawi lamang ang gutom na nararamdaman.
Hanggang sa may nagkusang loob na maghalungkat sa kusina, isang kilong bigas, luya, sibuyas,bawang, chili powder at asin.
Pwede pa....
'Yan ang nasa isipan ng taong naghahanap ng kanilang makakain.
Lugaw....
'Yan na lang ang maaaring maluto niya sa mga sangkap na yun. Buti na lang kamo't tatlo ang gasul nila at may laman pa ang isa. Hindi na siya humingi pa ng tulong sa mga kaklase niyang tulog pa ang diwa.
Nagsimula na siyang maghugas ng bigas, maghiwa ng mga pampalasa. Binuksan niya ang kalan , at bumungad sa kaniya ang asul na apoy tanda na matagal pa itong mauubos.
Sinimulan na niyang mag-gisa, pinainit ang malaking kaldero't hanggang sa mailagay na ang mantika, unang niyang ginisa ang luya na dahil ito ang magpapalasa sa lahat, sunod ang bawang, sibuyas. Pagkagisa, nilagay na niya ang bigas at hinalo iyon upang kumapit ang lasa sa mismong butil ng bigas, sunod ay nilagay niyang 5 litro ng tubig at nagsimula na rin siyang maghintay hanggang sa iyon ay kumulo't umalsa.
Hindi makakaila na ito'y lugaw sapagkat naamoy na ito ng kaniyang mga kaklase. Pero ang iba'y iniisip lang na 'gutom lang to, kaya kung ano-anu na ang mga naamoy.'
Ilang sandali lang ang lumipas, naglagay na siya ng asin tinikman niya kung ano ang lasa dahil baka sumobra naman ito sa alat. At napangiti naman siya ng mapantantong, saktong sakto lang ang lasa.
Sa pangalawang kulo, sinigurado muna niya na ito'y pwede ng kainin. Nang masigurado, pinatay na niya ang kalan, at nilagyan ng tatlong kutsarang puno na chili powder, dahil alam niyang nakagigising ito, nakadadagdag ng enerhiya na alam niyang kailangan na ng mga kaklase niya ngayon.
Lumabas siya ng bigat na bigat sa dala niyang mainit na kaldero at inilapag iyon sa may pasemano ng hindi napapansin ng mga kaklase niyang tulog at takas ang mga diwa.
Kumuha siya ng malalaking mangkok, at mga kutsara. Nang buksan niya ang takip nito, narinig niya ang pangsinghot at ang nakaiilang na tingin sa kaniya ng mga kaklase niya.
Hanggang sa mapansin na lamang niya na dinudumog na siya at mahaba na ang pila sa mismong harapan niya ng wala pang trenta segundo.
Para itong mga naglalalaway na aso sa paningin niya pero nakaramdam siya ng tuwa dahil alam niyang nakatulong siya sa mga kaklase niya.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...