Chapter 30
* * * * * * * *Brenda's POV
Tulad ng sinabi ng kapatid ko, si Junnel. I smell blood. I sense death. Hindi ko alam pero nagsisimula na namang mamugad ang matinding kaba sa aking dibdib sa sandaling kasiyahan na naramdaman ko kanina.
"Ate.....ba-bakit nangyayari to?" Sa pagkakataong ito naramdaman ko ang panghihina ng kapatid ko sa nangyayari ngayon.
"Ssshhhh, wala kang kasalanan sa nangyayari, wala. You just did your part." Wika ko habang hinahagod ang likod niya.
"Painumin mo na muna ng tubig yung kapatid mo." Nang marinig ko ang boses niya, dahan-dahan akong kumalas sa yakap ng kapatid ko bago ko siya tuluyang kaharapin.
"Joan....salamat." Saka ko kinuha ang tubig sa kaniya. Akala ko ok na kami, pero laking gulat ko ng tumango lang siya ng wala man lang kaekspre ekspresiyon ang mukha.
"GUYSSSS! TULONG ANG INIT NI CRISLINE." Napalingon na lang ako sa malakas na sigaw ni Marione.
Bigla na lang akong nangatal ng makitang sobrang putla nito.
"Ysa, kumuha kayo ng malamig na tubig, tingnan mo na lang din sa may infirmary kung may thermometer saka gamot sa lagnat. Salamat." Wika ko.
"Sige, sige." Saka niya hinatak si Angeleen para may makasama.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko kila Marione at Marcie.
"Kanina pa siya tahimik, sabi niya masakit lang daw ulo niya. Edi nanahimik kami saka nanood ng basketball tapos di naman akalain na nakatulog na siya sa tabi namin tapos nag aapoy sa lagnat." Nag aalalang wika ni Marcie habang nakatitig ito kay Crisline.
"Eh si Justine? Nasaan?" Tanong ko ng mapansin kong wala ito.
"Magsi-cr daw siya, na-LBM yata kaya hanggang ngayon wala pa. Nasobrahan kasi sa pagkain." Paliwanag ni Marione.
"BRENDAAAA! HETOOO NA!" Halos mabasag na ear drums ko dahil sa malakas at matinis na boses ni Angeleen.
"Damn. Sakit Angeleen. Tssk. Teka, bakit ba ang bilis niyo?" Usisa ko.
"Yun na nga eh. Magkakasama na yung kailangan natin sa isang basket except sa water kumuha pa kami." - Ysa
"Nakakapagtaka kasi lahat ng maaaring kailanganin natin. In order na."
"Bago yata mamatay si Nurse Yuri, may alam na siya tungkol dito. Siguro inagapan na niya rin." paliwanag ni Marcie habang dinadampian na niya ng bimpo si Crisline.
"Gadh. Ang taas ng lagnat niya 40 degree celsius, wag naman sana siyang kombulsyunin." Kinuha ko.yung thermometer, oo nga hindi ito ang normal na init ng isang tao, sa pagkakaalam ko 37 degree celsius ang normal.
*BLAAGGG*
Dahan-dahan akong lumingon sa baba, kung saan naroon pa ang grupo ng Hard at Soft.
"GAGO KA BA? BAKIT MO BINASAG?" Nangingibabaw ang malutong na mura ni CJ kay Genesis dala na rin ng pagkatalo nila.
Bumaba ako kasama sila Ysa, dala na ng curiosity.
"What happened?" Tanong ni Ysa.
"Nabasag ni Genesis yung time capsule na made of glass, na nakita ni CJ sa table nila Darwin. Bubuksan na dapat ni CJ kaso biglang inagaw ni Genesis. Saka kinuha yung kung anong papel sa loob. Tap—"
"Binasag ni Genesis, parang tanga lang! Pagkatapos basahin yung sulat saka binasag." Angil ni CJ.
"Hindi ko binasag, hi-hindi ko lang nakaya yung laman ng sulat." Napakunot ako ng noo dahil sa sagot niya saka ko inagaw yung papel na puti.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...