Chapter 7
* * * * * * * *Brenda's POV
Pagkatapos ko iyong sabihin kay Lei Ann,mabilis akong tumakbo at sumakay ng elevator.
Hahabol pa sana iyong tatlo para masabay sa akin dito.Kaso nagsarado na."Maghagdan na lang kayo." sigaw ko sa kanila.Sana narinig.
Napasalampak na lang ako dito.
Bago tumulo ang luha ko,gusto kong sisisihin ang sarili ko dahil sa hindi pagbanta o pagbigay paalala sa kanila.Pero hindi ko magawa dahil kung sasabihin ko iyon sa kanila kailangan ko ng ebidensiya,na ang tanging ebidensiya lamang ay ang mga pirasong puting punit na papel na nakukuha ko sa mga bangkay nila.'Wag kang sumuko' bigla namang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa may kung anong tinig ng lalaki ang bumulong sa akin.
Isang pamilyar na tinig,at hindi ako pwedeng magkamali kung sino iyon.
Bigla namang bumukas ang elevator,at tumayo na ako.Mabilis akong tumakbo patungo sa dorm #084,dorm nila Coline at Elaine.Agad kong pinihit ito,pero pagbukas.Hindi ko masikmura ang nakita ko.
Ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawa kong kaklase.
Agad kong hinanap ang papel,at hindi ako nagpaapekto sa mga nasa paligid ko.At nakita ko na nga.'Three down.Rest in peace, Coline.Sa unang pagkakataon naranasan mo na ang manahimik.'
Agad ko na iyong binulsa,ang pinagtataka ko lang wala ng remain remaining na echos siyang nilagay.
Hinanap ko naman 'yong isang papel,nakita ko iyon sa katawan ni Elaine na pugot ang ulo.
Pero walang nakasulat, as in blangko siya.'Di kaya hindi niya talaga planadong patayin si Elaine ngayon.Baka may nagawa lang ito na hindi nagustuhan nung pumatay."Brenda?" Si Ysa at Darwin,lumingon ako sa kaniya.Kasama na niya si Mr.Valencia.Nakatingin lang ito sa akin.
"Ano iyang hawak mo Brenda?" Tanong ni Mr.Valencia.Ngumiti ako ng matipid saka lumapit sa kanila sa may pintuan.
"Punit lang po ng papel" sabi ko.
Agad rin namang dumating ang tatlo na hingal na hingal."Bwiset ka Brenda!Pinagod mo kami." Hingal na sabi ni Joan.Tiningnan ko lang sila,saka medyo natutuwa lang ako,dahil sa itsura nila.Lalo si Genesis na pawis na pawis.
Agad ko rin naman na tiningnan si Lerry.Na nakasandal sa pader at nagpupunas ng pawis.Tumango lang siya,sign na 'ok-na-parating-na-si-Insp-look'.
Lumabas na ako ng kwarto, dahil baka may mahawakan daw ako ng bagay na maaaring matrace iyong fingerprints ko,at ako pa ang mapagbintangan.
Nagulat naman ako ng may bumunggo sa balikat ko.Si Lei Ann.
Agad siyang pumasok sa loob ng dorm.Hindi siya napigilan dahil nadala na si Lei Ann ng emosyon niya.
"JUSMIYO!ELAINEEEE" napatakip siya ng bibig saka humagulgol at dahan-dahan na napaupo sa lapag,hindi siya makapaniwala sa sinapit ng kaibigan niya.Dumating din naman si Ate Mary,dahan dahan pa siyang lumapit kay Lei Ann na para bang hindi pa nagsisink-in sa kaniya lahat.
Niyakap niya si Lei Ann.Pero nagulat na lang ako ng tumingin si Ate Mary sa akin ng masama.Nang gawin niya iyon,lumapit sa akin si Joan.
"Brenda lumayo kana" hawak niya sa braso ko na hihilahin ako palayo.Pero pinilit kong tanggalin iyon saka tumingin sa kaniya na 'okay-lang-ako-look.'
Nakatingin lang silang lahat,habang papalapit si Ate Mary sa akin.Hinahanda ko na iyong sarili ko,sa kung ano man ang gagawin niya.
At hindi nga ako nagkamali.Lumapat sa pisngi ko ang kamay niya.Nabagsak ang salamin ko dahilan para mabasag ito.Ramdam ko ang sakit ng sampal niya lalo na ng makalasa ako sa bunganga ko ng lasang kalawang.
BINABASA MO ANG
Last Project In Hell
Mystery / ThrillerPara sayo, gusto mong ikaw ang sumulat ng tadhana mo, para alam mo kung ano kahihinatnan nito hanggang dulo. Pero para sa kaniya, siya lang ang may karapatan kung paano mo papaikutin ang buhay mo. Kontrolado at kalkulado niya lahat. Kung ako sayo pi...