Chapter 36: Real feelings

19.2K 339 70
                                    


Chapter 36: Real feelings

 

People change. So feelings do.

 

 

Calvix's POV

 

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng makasalubong ko si Aubrey sa daan. Biglang nag-flashback lahat ng nangyari noong nakaraang araw.

-Flashback-

 

Let's meet. 3pm in Uji's bar.

 

Gusto kong makaramdam ng saya dahil nag-text sa akin si Aubrey. Pero bakit lahat ng saya at pananabik ko sa kanya tulad ng dati ay nawala? *shake head* Hindi wala to. Sadyang magulo lang ang utak ko dahil hanggang ngayon usap-usapan pa din ang tungkol sa video na nagmamakaawa ako kay Aubrey noon. Sanay ako na mapag-usapan ako pero ibang usapan yon. Dati, puro positibo ang matatanggap ko. Pero ngayon, para bang lahat ng sabihin nila negatibo na.

 

Nag-shower na ako. Pinaghalong takot at kaba ang naramdaman ko bago ako pumunta sa bar.

 

 

"Why here?" Tanong ko kay Aubrey ng maka-upo kami. Pumili pa talaga sya ng sariling room para sa amin.

 

Hindi sya sumagot at nakatitig lang ng masama sa akin, "Stop looking at me like I did something." Pag-iwas ko ng tingin dahil hindi ko kayang tumingin sa mata nya ng diretso. Bakit ganun? Parang nasasaktan ulit ako.

 

"You do." Matigas nyang sagot sa akin.

 

"I don't know what you're talking about. Tell m—"

 

"Stop being innocent. It doesn't fit you anymore."

 

Nagtaka ako sa sinabi nya, "I don't really know wh—"

 

"You think masisira mo kami ni Gio!?! You think magbe-break kami dahil sa ayaw lang ng barkada nyo sa relasyon namin? You think that not being accepted  by his parents and sister would make us break-up?!!?! You really think like that huh?! Handa naman kaming ipagtapat sa magulang ni Gio ang tungkol sa amin! But you go on our way. AGAIN! Hindi mo talaga ako tatantanan ano?!" Nagsimula na itong magtaas ng boses. And I think I'm already seeing her bad side.

 

"Bakit kailangan mong gawin yun Patrick? Bakit kailangan mo kong siraan sa magulang nya?"

 

Humarap ako sa kanya. Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Ano bang pinagsasabi nya? Tumawa ako, "You really think that I would that? God Aubrey. Hindi na ako ganun ka-desperado para bumalik ka sa kin. HINDI NA." Oo. Totoo yan. Tao din ako, napapagod. Ewan ko nga eh. Pero bawat araw na nagdadaan unti-unti ng nawawala ang pagmamahal at para bang nagiging manhid na ang puso ko.

 

"Really?" Kinabahan ako sa naging tono ng boses nya, "Sino lang ba ang taong pwedeng siraan ako sa magulang ng boyfriend ko? Sige nga. May alam ka ba?"

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now