Chapter 49: Make Him Fall

11.9K 205 19
                                    


 

Chapter 49: Make him fall

 

Everyone has problem. Some people are just good at hiding it. 

 

**

 

"Dad, if this marriage got canceled –"

"I will not give your inheritance."

"Yun lang? Haha!" Napatawa nalang ako. Yun lang naman pala eh! Then I will cancel this marriage! Mawawalan ako ng mana? Fine! Kayang-kaya kong buhayin ang sarili ko!

Lalabas na sana ako ng office ni Dad ng biglang magsalita itong muli, "Don't ever think of canceling this marriage Yuna. I'm warning you." Sa tono ng boses ni Dad alam kong galit sya, "Wala ka ng babalikan sa Korea. And all of this will be on Lance hands." Nagsimulang mag-init ang ulo ko. Tuwing maririnig ko ang pangalan ng bunso kong kapatid. I hate him! Konti nalang kasi at magiging ka-height ko na sya! He's just 14 years old pero ang tangkad na nya! Paano nalang pag 18 na sya? Mas mataas na sya sa akin?!! Huhu! Ayoko!

I just smiled, "Even if I accept this marriage, this company will not be mine, right? Because even in the end, this company is for Lance, not mine. What a great father you are. Having a bias?" Sarcastic na tono ng boses ko. Hindi na ako papayag na pati ba naman pagpapakasal ko ay sila rin ang nagdesisyon!

Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ni Dad! Mabilis ang mga pangyayari at ni-hindi ko man lang nagawang makakilos sa kinatatayuan ko. Inaantay ko ang vase na ibinato sa akin ni Dad pero wala akong naramdaman na tumama sa akin. Bakit ganun? Narinig ko ng nabasag iyon ---

"L-Lance?!!" Halos manlumo ako na makita ang kapatid ko na humarang para hindi ako tamaan ng vase na binato ni Dad. Mas lalong nanghina ang mga tuhod ko na may tumulong dugo sa sahig, "L-Lance..." Niyakap ko ang kapatid ko. Halos ilang taon kaming hindi nagkita. Hindi kasi sya pinapayagan ni Dad na pumunta sa Korea para madalaw at magkasama kami. Tapos kung kailan magkikita na ulit kami ng kapatid ko saka mangyayari to?!! I don't hate him. In fact, I love him. Kapatid ko lang ang meron ako. Kung siguro sinabi ni Dad na ilalayo nya sa akin si Lance pag tumanggi ako sa arrange marriage na'to  baka hindi ko kayanin. Mas gugustuhin ko na magtiis at isakripisyo ang kasiyahan ko kesa mawala sa akin ang kapatid ko.

"Look what you did old man! I really hate you!" Sigaw ko dito na halos hindi rin makapaniwala na nabato nya ang sariling anak.

"S-Sorry..." Tanging naging sambit nalang nito. Tutulungan na sana ako nito para dalhin sa ospital si Lance pero kaagad kong itinabig ang kamay nito.

"You even hurt your favorite son." Pagkatapos ay binuhat ko na ang kapatid ko at dinala ito sa ospital.

**

*PAK*

"Ano bang akala mo sa katawan mo ha?!! Bato?!!" Sapak ko sa kapatid ko. Grabeh! Magkaka-wrinkles ako dito ng wala sa oras!

Hinimas-himas nito ang braso na kakatahi lang, "Ate, a-ang sakit..."

"Malamang masakit yan! Bakit ka ba kasi humarang?! Alam mo namang sanay na'ko na mabato ng vase!" Oo, sanay na'ko. Kaya nga halos hindi na ako ganoon katakot na matamaan ako non. Pero hindi pa rin mawala sa akin ang takot. 

Kaagad kong niyakap ang kapatid ko, "Miss kita Lance!" Iyak ko. Huhu!

"A-Ate... Miss na miss kita."

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko dito at hinawakan ang magkabilang balikat nito, "From now on, dun ka na uuwi sa condo ko." Sabi ko at muling niyakap ito. Kung kaya, ako na mismo ang bubuhay sa kapatid ko. Kahit kami lang dalawa, ayos na para sa akin.

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now