Chapter 29: Bad girl
Janelle's POV
"How do I look?" Tanong ko kay Jamiatra habang nakaharap ako sa salamin.
"You look perfect!" Sabay apir ni Jamiatra at ni Daniele, "Tingnan natin kung anong maging reaksyon ng Calvix na yan." Sabi pa nito.
Nakatitig lang ako sa salamin. This is not Janelle you played with anymore.
I'm now wearing a light make-up. At ang buhok ko ay may konting kulot sa dulo, "Wala ba talagang nakakaalam na dun pa rin tayo papasok?" Pagtatanong ko.
"Syempre wala. Kasama yan di ba sa plano?"
"Good."
It's time to played.
**
Pagdating namin sa University para silang nakakita ng mga dyosa. Nagkaroon rin ng mga bulungan. Hindi talaga siguro nila ako makilala. Masyado kasi akong gumanda. At ang uniform na suot ko? Hindi na sya tulad ng dati na medyo may kahabaan. Dahil ngayon, pina-ikli ko na talaga sya ng kaunti.
"Transferee ba?"
"Siguro. Pero hindi eh -- May kahawig sya."
"Oo nga eh. Si Janelle! Yung niligawan ni Calvix dati."
"Sya ba yun? Pano mangyayari yun? Eh ang balita nasa Italy na sya."
"Ang alam ko kaya sya umalis ng bansa dahil kay Calvix..."
Dumaan ako sa harapan nila at binigyan sila ng isang ngiti. Meaning na tama sabi nila. Taas noo akong naglakad. Hindi mawawala ang bulungan at pamatay na tingin sa akin ng mga estudyante. Ng sa hindi inaasahan nakita ko sya – Si Aubrey.
"Good morning."Bati nya kay Stephanie, "Nakabalik ka na pala." Naka-ngiting sabi pa nito.
"A-Ah. Oo." Sabi naman ni Steph.
Tumingin sya sa akin at mukhang nanibago sa itsura ko, "Ikaw ba yan Janelle? Wow! Ang pretty mo na!" Masayang puri nya sa akin.
I smirked, "Yeah. Thanks to you. Nang dahil sayo nailabas ko ang gandang nakatago noon." Ewan ko ba kung saan ako humugot ng lakas ng loob.
"TAMA!!" Nag-apir pa sina Jamiatra at Daniele, "Kaya ingat ka -- Dahil may pwede ng pumalit sayo as Ms. Intrams, 'Face of the Howard University' and 'Muse of Science class'." Tinaasan ng kilay ni Jamiatra si Aubrey, "Umm. Excuse us, may klase pa kami." Sabi ni Jamiatra dito at hinigit na ako.
Pumunta muna kaming ladies room bago pumasok sa klase namin. Napatingin ako sa salamin. Hinimas ni Fatima ang likod ko, "You think you can really do this?" Tanong sa akin nito.
Ngumiti ako, "Of course." Kahit wala akong kasiguraduhan kung magagawa ko ba.
Binalik ko ang tingin ko sa salamin, "Everything is a game. And I would not be the one who's gonna be played on a game -- I'm the one will be playing a game and that game is yours." Sabi ko na puno ng galit ang puso ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang galit. Gusto kong manakit! Gustong-gusto ko syang saktan at iparamdam lahat ng sakit na naranasan ko!
Ganto rin ba ang naramdaman nya ng saktan sya ni Aubrey? Na malaman nyang lahat ay laro lang? We've been experienced the same pain, Calvix. But I swear, my revenge for you is the most painful thing you've gonna experience. More painful, more tears and more regrets than Aubrey's game.
YOU ARE READING
Beautiful Nightmare (COMPLETED)
Romance[MONSTER SERIES 1] Old title: His Game The worst thing a player can be experienced is being played by his own game. WARNING: UNEDITED & WRONG GRAMMARS Book cover by: @baekacheu