Chapter 42: When Jealousy Attacks

15.3K 299 47
                                    

Chapter 42: When Jealousy Attacks  

 

Calvix’s POV

 

“Calvix!” I don’t even thinking about of glancing her back. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may yumakap patalikod ko.

“God! Who is she?!”

“The new transferred!”

“Then why is she hugging my dear Calvix?!!!”

 

Humarap ako dito at hinawakan ang kamay nito at dinala sa garden kung saan wala masyadong tao, “Wala ka bang patawad? Hanggang dito ba naman?!”

“I told you I still like you.  And you know that if I like someone, I’m not giving up on him until he’s mine. ” She smirked.

Napahampas nalang ang kamay ko sa noo ko, “Can’t you just leave me alone?! I have escaped from you! We actually escaped! And now?!! God damn it!” Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mainis. Gusto ko syang kaladkadin papalabas ng school na’to at itapon pabalik ng Switzerland.

Pero hindi na naman nya ako pinakinggan at kumabit pa sa braso ko, “Akala nyo ba ganun na lang kadali yun? No Calvix. Tingin mo ba hahayaan nalang kita ng basta-basta nalang? Hell no. Try me Calvix. Try me.”

Tinabig ko ito, “Whatever you do I don’t care!! Kung dati natakot mo ko, pwes ngayon hindi na! Wala kang mapapala sa kin dito sa Pilipinas. Kaya bumalik ka na kung saang lugar ka nararapat!” Napataas na ang boses ko.

She smiled bitterly and said, “Whatever I do? You sure?”

Sa salitang iyon na lumabas sa bibig nya. Nagsimula na kong kabahan at matakot sa pwedeng mangyari ngayon.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kwelyo ng uniform ko, “Hindi ako aalis ng bansang to hangga’t hindi kita kasama.”

**

Dalawang araw na kong hindi napasok. Ang sabi ko, may sakit ako. Ang totoo lang, hindi ko naman tlaga alam kung meron ba kung sakit o wala. Mabigat ang pakiramdam ko -- Mali, mabigat ang puso ko. Punong-puno na kasi ng sakit. Ilang araw pa lang ang pasok pero parang hindi ko na kayang pumasok. Hindi ko na yata kaya ang nasasaksihan kong pagmamahalan ang meron silang dalawa.

Napansin kong umilaw ang screen ng cellphone ko at nakita ang natawag. Nag-appear ang picture ni Aubrey sa screen ng cellphone ko. Tinatawagan na naman nya ako.

Inuntog ko ang sarili ko sa unan, “Hayy! Ang gulo!” Oo, magulo. At gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko! Bakit pakiramdam ko nabalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya?!! Hindi. Hindi. Ni-reject ko ang tawag na iyon.

“Anak, tumawag dito si Mina. Tanda mo pa yung kababata mo? Kakauwi lang pala nun galing Switzerland. Balita ko classmates din kayo. Di mo man lang naiku-kwento sa akin. Okay ba sayo kung dito sya mag-dinner ngayong gabi? Sabi nya kasi miss na miss na nya ako lalo na si Nathalie.” Sabi ni Mama ng maka-upo sa kama ko, “Okay ka lang ba anak? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?” Hinipo nito ang ulo ko.

Beautiful Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now